Bago ang lahat, inyo sanang asahan na ang blog na ito ay mapupuno ng kung ano-anong mga haka-haka na maaaring walang relasyon sa ating kurso. Maliban na lamang kung ito'y maihahambing niyo sa isang social experiment marahil sa kalanuang inyong makikita sa mga sumusunod na sulating aking gagawin. Para klaro sabihin nalang nating it is not for the faint of heart, kung ano man ang ibig sabihin noon.
Sa ating pagsisimula, talaga namang napakainteresante ng mga teoryang ating napaguusapan sa ating kurso sa pag-aaral ng kulturang pampulitika. At hindi, hindi po ako nambobola maniwala man kayo o sa hindi. Nasabi ko ito dahil kapansinpansin na sa pag-aaral ng mga teoryang ito lalong lalo na sa aming report na Post-Colonialsim na hindi pa namin naisisiwalat sa ating klase ay may mga parte ng mga teorya dito na nagbibigay ng panin sa mga bagay bagay na may pake tayo. Sa totoo lamang nakakawindang isipin na mayroong palang mga pag-aaral ng mga gawain ng mga tao na sa buong pagaakala ko'y napakapersonal o sariling akin kumbaga. Hindi ko akalaing mayroong na palang pag-aaral ng "behavior" kuno o ugali ng isang tao. At lalong hindi sa pagbasa ng paggawa ng desisyon ng isang tao sa isang pangyayaring politikal. Saan ka makakakita ng pag-aaral ng mga tao na buong buhay ko'y tinatawag nating mga salot sa lipunan gaya ng mga LGBT's? Sadyang nakakawindang ito dahil binibigyan natin ng importanisya o halaga kahit papaano ang mga produkto ng mga ideyang kakaiba o deviant ika nga sa systema na atin nang ikinalakihan. Dito sumusulpot ang mga tanong na bakit? at ang ganti na bakit hindi? na hindi naman masagot ng maayos ng nauna. Sadyang napakaraming katanungan na nagaantay masagot, at nakakatuwa lamang isipin na nandirito tayo sa gitna ng lahat, alam o inaalam and dahilan kung bakit nangyari ang mga nangyari habang pinapanood ang mga kapwa tao natin, nabubuhay na hindi napapansin ang mga bagay na ating nakikita. At talaga namang nakakatuwa na marami sa ating gumawa ng blog ay ngayo'y nagsusulat gamit ang salitang filipino o tagalog o taglish. Wala lang natuwa lamang ako, kasi napaka candid. Sa susunod na lamang ako maglalagay ng picture kung inyong mamarapatin.
No comments:
Post a Comment