Thursday 29 March 2012

Ang Birmingham School

Ang Birmingham School ay isang school of though na nagsisilbing karibal ng frankfurt school. Parehong galing sa magkaibang academic institution ang dalawalng ito at sa aking palagay, kung ang Frankfurt sa instituion orientes, ang Birmingham nama'y people oriented. Parehong makamasa ang dalawang school of though ngunit ang birmingham lamang ang nagbibigay diin sa importansiya ng politics of everyday life. Ito marahil ang isa sa unang paraan ng pagsusuri na nagbibigay importansiya sa pulitika na nararanasan ng bawat indibidual. Natutuwa ako sa napaka creative na pagpresent ng grupo uol sa iba't ibang karanasan ng mga tao sa video, hindi naman sa natuwa akong nakikita ang what you see is what you get ad kung saan ginagaya ng bata ang nakikita niya sa matatanda, natutuwa lang ako kung gaano kasapul sa sa dibdib ang kanilang ginawa para aming maintindihan pa lalo ang importansiya ng everyday politics ng mga taong gaya mo at ako na kadalasa'y hindi binibigyang pansin dahil akala nila'y wala namant itong gaanon datos na makukuha di gaya ng pagaaral sa isang intitusyon.


http://www.masterfile.com/stock-photography/image/600-00934209/Father-Shaving-with-Son

Frankfurt School

Ang Frankfurt school ay isang school of thought na nakasentro sa idea na hindi na ito ang panahon para sa mga rebolusyon ng mga manggagawa. Dahil ang nangyayari lang nama'y napapalitan ang nasa itaas ngunit ganoon pa rin ang nangyayari. Idinidiin dito sa frankfurt school ang paghahanap ng ibang catalysta o agent para magkaroon ng social change, maliban sa paglulungsad ng rebolusyon ng mga manggagawa, bakit hindi nalang baguhin o imaniobra ang systema para sa ikabubuti ng masa? Isang tanong na talaga namang napakaganda para sa akin. Baguhin ang systema para sa ikabubuti ng marami hindi lang ng nasa itaas.

http://mamikikeyu.wordpress.com/2011/05/12/bureaucracy-advantages-and-dis-advantages/

Cultural Product: Ang Magnum at ang sining ng Social Climbing


Sikat, masarap, pero medyo mahal. Marahil dahil na rin sa tindi ng hype na dumating sa pilipinas dahil na rin tindi ng advertisments ay naging napaka sikat ng Magnum Ice cream. Isang ice cream na sumobrang dami ang mga fans ay naging isa na tong simbolo ng pagiging "in". Kapag nakakain ka na nito "in" ka na, pero pag lagi mo tong ipinapakitang kinakain, grabe mayaman ka na! Sosyal kumbaga. Kaya nga naman ganoon nalamang ang pag-upload ng mga tao mapa bata, matanda, sa kanikanilang mga social networking sites kun saan mayroon nang isang napagtripan ng maiinit na mata ng mga taong asar sa mga taong gaya nila. Galit sa mga pasosyal na Social Climbers

Ang Isang social climber ay isang taong nikikipag kaibigan sa taong may "kaibigan" na may mataas na estado sa lipunan, kakaibiganin niya ito upang makilala ang isa pang "kaibigang" may mas mataas na estado at sabay iiwanan ang nauna niyang kinaibigan. Tuloy tuloy lamang ito hanggang sa makarating na sila sa tuktok. Ngunit hindi lamang dito nababase ang pagiging social climber. Kung tutuusin ito'y mas lalong mapapansin kung sino ang social climber sa kanilang pag-asta. Halimbawa madalas ay sinusubukang gayahin ng isang social climber or isang sosyalera na gayahin ang porma, pag-asta, pati na rin kung paano magsalita ang mga taong mataas ang estado sa lipunan. Madalas silang nagpapakita ng kanilang social "value" kuno upang sila'y mapansin sa kaniyang mga kasama na angat sila, at para sa mga "elite" ay mapansin siya bilang kabilang sa grupo nila. Kaya natin masasabi na isang social climber ang taong kumakain ng magnum ay dahil sa pagpilit nilang maki-in sa uso, upang maipakita na sila ngay afford bumili at maglustay ng pera para lamang kumain ng ice cream na masarap lang dahil "Belgian" daw ang chocolates nila.

Kung ating susuriin, hindi na bago ang idea ng social climbing sa ating mga pilipino. Isang testamento rito ang Noli me Tanger ni Jose Rizal kung saan nagbigay siya ng dalwang hinding hindi makakalimutang mga tauhan sa kaniyang nobela. Ang alalay ng mga prayleng si Kapitan Tiago at ang pinaka sikat na social climber na si Donya  Victorina de Espadana. Parehong social climber gamit ang ang depinisyon sa itaas. Si kapitan Tiago ang social climber na mahilig makipagkaibigan sa mga prayle, laging nagsasagawa ng pasimba para lamang manatili sa grupo ng matataas na kastila. Si Donya Victorina nama'y mapagpanggap na mestizang itinakwil na ang pagpapilipino at itinatawag na ang sarili bilang isang Espanol, kung inyong maaalala ang kaniyang diskripsyon ay babaeng punong puno ng kolorete, pilit kumbaga ang kaniyang pagkatao.




Isang dibuho ni Donya Victorina

Ano naman ang kinalaman ng dalawang ito sa Magnum? Sa pag-gamit ng Post-Colonial theory masasabi nating talagang ugat na ang kulturang pagkasocial climber ng ibang pilipino dahil na rin sa kalunoslunos na pag-alipusta at pagtanggal ng dangal sa ating lahi ng ating mga mananakop. Idinikdik na sa atin ng mga Espanol na tayo'y mali, na tayo'y mga inutil, mga indio, mga nakakababang nilalang at upang maiangat ang ating estado ay dapat tayong pilit makibagay sa kanila, gaya ng babaeng nasa itaas, manamit, kumain,umasta, gaya nila. Nakakaungkot mang isipin pero napaka pamilyar nitong isyu na ito hanggan sa kasalukuyan dahil hindi na nawala ang ugaling ito ng ibang pilipino na dahil na rin sa sobrang hirap ay ipinipilit na ang sarili upang makaangat, mula panahon ng Kano, hapon, kano ulit, at ang exodus ng masang Pilipino sa ibang bansa at nagpapaka Donya Victorina na sa kanikanilang Diaspora na niyayabangan ang mga naiwan dito at nagpapapansin sa mga angat roon. Makikita natin ang Stigma ng colonyal na pang-aalipusta hanggang ngayon, nandirito pa rin ang inferiority complex natin na kaialangan nating matugunan sa pagbili ng mga gamit na sosyal.

 Ang magnum ngayon ang nagsisilbing simbolo ng masang pilipino sa kanilang pagsubok na makibagay sa mga "nasa itaas" ng ating henerasyon, ang mga anak ng diyos at diyosa ng ating lipunan, ang mga mayayamang "elite" na tinitingala ng masa dahil sa kanilang paningin ang Magnum Ice cream, isang ice cream na masarap ngunit mahal ay ang "Sosyal" na bersion ng sorbetes na nilalako ni Mang Caloy sa Luneta park. Kagaya ng starbucks coffee na sobrang mahal ang isang baso pero kaya mo naman bumili ng kape na pereho rin namang nakakagising sa nescafe three in 1, ganoon rin ang epekto ng magnum na para maka "in" lang bibili ka ng magnum kasi tataas ang tingin sa iyo ng mga tao, sisikat ka pa sa tropa mo.




 Picture ni Manong Starr Box na nagbebenta sa may Bean Hoppers
http://www.facebook.com/people/Donya-Victorina-de-Espada%C3%B1a/100003199497809
http://mikehbeybe.tumblr.com/

Critical Commentary: Dalumat Pangkanluranin


Critical commentary Western theory

Sino ba sa atin ang hindi ibinabase ang kaniyang paraan ng pagsusuri gamit ang mga ideolohiyang pangkanluranin? Magmula sa demokrasiya, hanggang sa kapitalismo, mula sa mga tipikal na termino gaya ng “realism” at “idealism”. Kahit nga ang pag-aaral ng ating sariling kultura ay nagmula ibinase sa paggamit ng dalumat pangkanluranin. Sa makatuwid, talaga nga namang  napakalaking parte ng Kulturang kanluranin upang maapektuhan ang pamamaraan nating mga Pilipino sa pag-iisip. Maniwala man tayo’t sa hindi, kung wala ang mga dalumat na to na nagpasimula ng ganitong paraan ng pag-oobserba o pananaliksik, hindi ko na maisip kung anong uri ang lalabas. Ngunit ano nga ba ang mga Dalumat pangkanluranin na mga to at bakit napakabigatin ang ating turin sa kanila sa larangan ng pananaliksik pangkultura?

Una sa aking listahan ang aking paborito ang Post-Colonialism na nagbibigay liwanag sa kung ano ang naranasan, at sa kasalukaya’y nararanasan ng mga dating mananakop at nasakop. Ipinapakit dito ang ideyang hybridity ni Homi Bhabha na nagsasabing hindi lamang ang mga nasakop ang nagkaroon ng “Dualism” o pagkakaroon ng mutation ng kanilang kultura, nagkaroon rin ng ganoong karanasan ang kanikanilang mga mananakop kung kaya’t makikita na nating hindi na ito tungkol sa isang mananakop na biglaang manggugulo sa isang nasakop na walang mangyayaring malaking pagkaapekto sa kanilang kultura kundi magkakaroon ng isang bagong kultura dahil sa pagbanggaan ng dalawang napakamagkaibang teorya.
Orientalism of the 1920s

http://anjouclothing.com/2012/02/26/orientalism-of-the-early-1900s/

Ikalawa ay ang Feminism at ang napaka controbersial na queer theory na nagsisilbing “empowerment” tool para sa kababaihan kung saan tapos na ang pagiging “damsel in distress” na kung walang lalaki ay wala na sila. Ipinapakita dito na hindi mahina ang mga babae kung kaya’t kailanga’y mayroon din silang sariling mga paa at kayang tumayo mag-isa. Ang Queer theory naman ay ang nagsisilbing deconstructing agent kuno ng ating mga LGBT’s na hinahamon ang naghaharing macho culture. Dito mapapansin na ang paginvade ng mga “gay” sa mga lugar na sinisimbolo ang epitome ng pagkadiretso o pagkalalake gaya ng mga gym at basketball, pati na rin ang military.




http://mynews.mumbleabout.com/wp-content/uploads/2011/06/gay-foxhole.jpg

Ang Birmingham school naman ay isang dalumat na interdisciplinary kung saan ginagamit ang iba’t ibang mga departamento ng kaalaman upang magkaroon ng masmagandang pagsusuri ang isang kultura o phenomena.       Isa itong school of thought na nagbibigay ilaw sa politikang pangaraw araw, ang pulitkang pansariling kadala’y nakakaligtaan ng mga tao.

Ang kasalungat naman ng Birmingham na ang Frankfurt school na nagbibigay pokus sa mga manggagawa at ang elite. Binigyan ng pagsusuring itong ng diin na hindi rebolusyon kundi masusing pagaaral ng systema ng kultura upang magkaroon ng mas maliwanag na sulusyon.
Ang huli ay ang French theory na nagbigay ng importansiya sa minorya o sa atin nama’y ang masa at ang pag-aaral sa pop-culture upang maliwanag na masabi kung ano nga ba ang tunay na nangyayari sa ating mga mamamayan at ang epekto ng mass media sa pagbuo ng kultura.

Critical Commentary: Post-Colonialism


Ang teoryang “Post-Colonialism” ay isa sa mga pinka nangingibabaw na dalumat sa aking paningin sa konteksto ng pagsusuri ng kulturang nananaig sa mga Pilipino. Sa anong paraan pa nga ba antin maiintindihan ang dalumat na ito kundi sa paggamit ng sariling atin bilang ehemplo.  Ang walang kamatayang Colonial-mentality na ating nakuha mula sa tatlong daang taong pagkakaalipin sa mga Espanol at mahigit ilang dekdang pag-ibig sa “Mother America” na nagdikdik sa atin na mas maganda ang gawang dayuhan dahil mas mahal at maganda ang pagkakabalot. Talamak din sa pag-aaral ng modernong kultura ng mga Pilipino ang epekto ng hybridity at ang pagkakaroon ng dibisyon o social standing sa mga Pilipino na ating mababase sa pag-gamit ng elit theory. Kitang kita rito ang pagiging talamak ng branded na gamit at iba pang mga “imported” na mga kasangkapan.

Sa libro ni Franz Fanon ipinapakita ang kalunoslunos na epekto noong pag-alis ng mga mananakop kung saan nagkaroon kumbaga ng stigma ang mga nasakop na nasanay na sa pananaw na tanggapin na masama/ ang pigiging itim o kung atin nama’y masamang maging kayunmanggi at kailangan mong makibagay at maging gaya ng ating mananakop upang matanggap. Nagkakaroon ng inferiority complex na ating mababase ang pinanggagalingan ng ideyang foreign is better. Isa pang magandang halimbawa ay ang basehan ng isang Pilipina para masabing maganda ang isang bagay Sadiyang kalunoslunos ng kagaya ng sinabi sa isang yahoo! Article na nagbigay ng survey kung ano nga ba ang ibigsabihin ng kgandahan sa kanila, marami ang nagsabing kailangang sila’y maputi. Nakakabigla dahil itong ito ang pinaka trahedya nating mga Pilipino na tinatawag na kaaya-aya ang kulay na hindi natural sa ating lahi, at hindi pagmahal sa ating sarili.

Naoobserbahan rin natin ang pagkakaroon natin ng Hybridity kung saan ng pinaka magandang halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng bagong pamamaraan ng pananalita gaya ng taglish o ang pagsama ng dialektong tagalog at inlges sa mga pananalita ng mga Pilipino. Makikita rin ito sa mga Filipino diaspora sa ibang bansa kung saan nagkakaroon ng impluwensiya ang mga Pilipino sa mga local ng kanilang bansang tinutuluyan.
Sadiyang napakaganda ng teoryang post-colonial para sa aking pananaw dahil ito’y ang nakikita kong dalumat pangkanluranin nagbibigay liwanag sa ating karanasan at nararanasan bilang mga Pilipino na hanggang ngayon ay kita parin ang peklat sa ating kultura na ginawa ng ating mga mananakop.

Critical Commentary: Indigenous theory


Ang pagsasakatutubo ng teoriyang Pampilipino

Nakakatuwa nga namang isipin na sa wakas, matapos an gating pag-aaral ng mga dalumat ng mga kanluranin, mga ideyang nagmula sa mga baying kadalasang hindi maaring ikumpara sa atin ay nagkaroon na rin tayo ng sariling basehan ng ating pag-aaral ng ating pamumuhay. Bakit nga ba natin ipipilit gamitin ang mga paraan ng pag-oobserba na ginamit ng mga Amerikano, Pranses at kung sino sino pa? Sa totoo naman ay hindi nila gaanong nasasakop ang lahat ng aspetong nagsasapilipino sa atin? 

Kaya nga naman tinutuligsa ng Indeginazation theory and ideya na paggamit ng dalumat pangkanluranin bilang pagbase sa pagoobserba ng pamumuhay ng mga Pilipino, ika nga nila’y hindi ito nababagay at kailangan sa ating mga Pilipino mismo manggaling ang paggawa ng sarili nating dalumat upang masusing “mainterpret” an gating pagkapilipino mula sa pananaw ng isang Pilipino.

Ang nakaktuwa rito’y sa wakas nagkakaroon narin ng paggalaw ang ating mga mananaliksik upang magkaroon din tayo ng dalumat na matatawag nating atin. Ang Sikolohiyang Pilipino halimbawa, ang pangangaliangang magkaroon tayo ng isang basehan ng pag-aaral sa ating napaka “diverse” na kulturang Pilipino upang tayo’y magkaroon nga ng iisang depinisyon ng kung ano nga ba ang pagiging Pilipino. Isang sikolohiya gaya nga ng ngalan ng teorya, na akmang akma o saktong sakto sa pangangaialangan ng pag-iintindi ng iba-ibang kulturang bumubuo ng pagkapilino.

Sa isa namang banda ay nasasakop din ang ideyang paggamit ng parehong dalumat kanluranin ngunit sa mata naman ng Pilipino dahil sinasabing kahit hindi perpekto ay may pakinabang din naman ang mga dalumat na ito sa pagintindi ng ating sariling kultura, kung tutuusin dito nga naman kasi tayo nagsimulang lahat. Kaya nga naman pumapasok ang Pilipinohiya na nagsisilbing hybrid sa aking paningin ng Sikolohiyang Pilipino at ng mga kanluraning dalumat. Hindi rin naman kasi natin maitatanggi na dito nanggaling halos lahat ng ating paraan ng pagsusuri, nagkataon lamang na wala rito talagang akma upang mapasinayangan ang diwa ng pagkapilipino.

Ito’y isang teoryang napaka personal sa aking paningin dahil marami sa atin dito ang nakikiramay sa mga pagobserba ng Indegenous theory, kailangan pa nga nito sa aking palagay ng mas matinding pagsuporta upang makamit ang pagkakaroon ng isang teorya o paraan ng pausuring magkakapsula a pagaaral ng kulturang Pilipino sa mata ng mga Pilipino.

Isang napakagandang halimbawa ng ating pagkapilino ay ang makikita sa link na ito, inyo sanang tignan.

Sunday 25 March 2012

Ang Liliw, Luisiana at Lucban


Leisure and a
Sa aming pagpunta sa iba’t ibang parte ng lugar sa Laguna ay aming napansin na kakaiba nga naman ang mga uri ng pag-lilibang ng mga tao na napaparoon. Sa Liliw ating mapapansin na ang mga tao doon ay madalas magbenta, ang mga tsinelas ay napakarami gaya nga ng kanilang festival ay ating mapapansin na ito’y parang isang malaking mall na punong puno ng mga kiosk. Kitang kita dito kung sino ang mga dayo sa mga local. Marami sa mga taga rito ay kadalasang nagbebenta ng mga pagkain, at mga damit lalo na mga sapatos. Nakakatuwang pansinin ang mga dayong kagaya naming na nagkakandarapa sa pagpipicutre at pagbili ng mga souvenir kung hindi man ay ang pagpitingin ng mga sapatos na hindi naming mabili dahil walang pera. Nakaktuwa din tignan ang dami ng  mga iba’t ibang delikasiya rito gaya ng kesong puti na aming kinain pagkadating sa hotel pati na rin ang bibingkang gawa sa luto. Kakaiba rin ang pakakaluto nila sa bukong ito kaya nga namang talagang nakakatuwang pansinin ito. Mapapansin din ang mga rumorondang mga tanod na nag-aanounce ng mga mangyayaring “events” para sa darating na piyesta. Kakaunit lamang ang makikita mong mga taong lumilibot sa parte ng bayan na iyon sapagkat marami sa mga local roon ay nagbebenta sa mga dayong katulad natin.

Sa may Luisiana naman, ating mapapansin ang katahimikan ng lugar. Ang tinatawag nilang pandan festival ay mukhang nakapokus lamang sa isang parte ng bayan na nagbebenta ng mga kasangapang gawa sa pandan. Ang lugar ay malawak at kapansin pansing di gaanong magulo ngunit puno ng mga batang naglalaro sa parke kung saan kami nakikipag diskurso tungkol sa aspeto ng industriya at kultura na aking isiniyasat sa isa ko pang blog. Mayroon ding mga taong kumakanta o nagvivideoke ngunit sa kabila ng lahat ng ito’y wala nang gaanong nangyayari.

Sa Lucban ang huling bayang aming pinuntahahan naparoon ang isa sa pinakamagarbong piyest ng pahiyas. Mapapansin sa lugar na ito ang ingay na nagmumula sa mga bata sa may eskuwelahan dahil na rin sa tapos na ang kanilang pasukan. Mapapansin din ang pagkabusy kuno ng mga tao dito, maraming mga pamilihan lalo na ng longanisa at pansit pati na rin ang paborito kong broas. Kapansinpansin din ang night life doon sa nasabing bayan dahil sa tapat pa lamang ng aming hotel ay may bar nang nakantabay para sa mga nais makapag “unwind”. Sa gabi ay talaga nga naman makulay ang parke sa tabi ng aming tinutuluyan at mapapansin na kahit noong umuulan ay naglalaro pa rin ang mga bata rito.

Sa pagkukumpara ng mga lugar sa mga baying aming napuntahan, masasabi nating puno ang mga ito ng mga iba’t-ibang mga paraan ng paglilibang at mga ginagawa ng mga tao pampalipas oras, marami sa mga taga Liliw ang nakapokus sa pagbenta ng kanilang mga produkto lalo na at malapit na ang kanilang pista, para bang isa itong napakalaking palengke habang ang luisian naman ay isang napakatahimik na lungsod kung ikukumpara mo sa tatlo, walang masiyadong nangyayari at wala ring masyadong ginagawa. Ang Lucban naman ang para sa akin ay pinaka maganda, pinaka buhay na kahit gabi na ay sadiyang makulay pa rin. Masarap pa ang kanilang pansit pati na rin ang kanilang longganisa.



http://www.pinoytravelblog.com/roadtrip/571/pahiyas-festival-2007-lucban-quezon

Nakita ko to noong naglalakad lakad ako noong umaga, gusto ko sanang bilhin lalo na nung natikman ko yun sa may Buddy's kaso wala na kong pera. Mas nagustuhan ko to kaysa sa Vigan, medyo malasa kasi at hindi matamis, yun ang paborito ko.

Great!
http://ph.openrice.com/manila/restaurant/sr2.htm?shopid=11759

Ang world famous pansit Lucban ng well.. Lucban. Kinuhang photo mula sa Buddy's restaurant na kahit tatlong tao tataob sa sobrang sarap. Subukan ninyo.

Culture and Industry: The rise or corruption of festival trends in Laguna


Sa aming paglakabay sa nayon ng Laguna, aming natalakay mula sa aming mga speaker ang napakainteresanteng penomena na nagaganap ngayon sa ating bansa. Ang pag-usbong ng mga piyesta sa mga samu't saring mga nayon na ating mapapansin hindi lamang sa aming mga napuntahan na nayon, kundi atin ring mapapansin sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Sa unang tingin ay talaga nga namang nakakatuwa na makita na nagkakaroon na marahil ng pagtingin pangkulutural ang mga Pilipino at muli nilang ibinunubuhay ang mga sarili nilang mga kultura sa kanikanilang mga bayan. Ngunit marahil ito'y isa lamang mapatalinghagang paghuhusga dahil kung ito'y susuriing mabuti, ating makikita na hindi kaya nagusbong ang mga bagong pagdiriwang na ito dahil sa pagdami ng mga turista maging dayuhan man o lokal? Dahil dumarami ang kita kung may isang piyestang inaabangan ng buong mundo para makita? Dahil may kultura kasi mayroong industriya?
Habang aming pinakikinggan ang mga diskusyon ng aming mga speaker ay napansin ko agad ang inilalathala ng pagka praktikal ng mga tao ngayon. Kung saan ang kita, doon sila. Kung ang ibig sa bihin nito’y gagawa sila ng bagong piyesta na walang kinalaman sa kultura nila, ay gagawin pa rin nila. Ang pandan festival ay isang magandang ehemplo nito. Makikita natin na ang isang piyesta ay nagpapakita ng pasasalamat ng magandang ani, at ang mga festival kuno nakanilang ipinapagdiwang ay kadalasang ginagamit bilang representasyon ng mga pangunahing mga produkto na kanilang ginagamit para makabenta. Ngunit ang pandan ay hindi na isang pangunahing produkto ng nayon na iyon kaya nga naman sadiyang nakakalungkot sabihin na talaga nga naming nagiging pokus na nito ang pagiging isang commercialized na piyetsa para lamang sa kita at nawawala na ang pagka ispiritual o ang pinaka “sense” nito. Talagang nakakabahala dahil ang trend ngayon upang makaangat ang ating ekonomiya ay gumagawa na lamang tayo nang kung ano anong mga gimik para lamang makilala at kumita. Parang Show-time kumbaga.

Comparing Mall culture


Sa aming pagpunta sa mga mall ng Laguna, kami’y nagsimulang pag-aralan at ipag-kumpara ang mga uri ng mga tao na pumupunta rito.
Ating bigyan ng pokus ang mga ito
Walter-Mart
Ang mall na ito hindi gaanong malaki ngunit puno ng mga kiosk at stall sa kanilang main hall. Masasabi nating ito’y parang isang malaking supermarket at department store kung saan mapaparito ka hindi para tumambay kundi mamili. Puno rin ito ng mga budget shops gaya ng mga surplus stores sa damit, appliances, pati na rin ang mga kagamitang pambahay. Malimit na ang mga pumupunta ritong mga tao ay mga pamilya na madalas makikita sa supermarket at naghahanap ng kanikanilang mga kasangkapan. Bibihira rito ang mga teenagers na madalas mo nama’y naproroon sa may sinehan. Kitang kita ang pagkakonti ng mga tao dito kahit na nagsimula kami sa aming pag-oobserba noong tanghali ng biyernes na ating masasabing araw ng pamamasyal ng mga nakakabatang populasyon. Bibihira kang makakita dito ng mga nag-wiwindow shopping o mga tao na tumitingin tingin lamang ng mga produkto ng mga shops. Kakaunti ang mga lugar panlibangan at masasabi nating mapaparito ka talaga para mamili ng kasangkapan at hindi ito ang tipikal na lugar na pinupuntahan ng mga tao panlibangan.

SM
Ang SM ay isang napakalaking mall na puno ng malawak na variety ng mga shops. Mapapansin natin na makikita sa estado ng buhay ng mga tao sa mga parte ng mall kung saan sila namamalagi. Mapapansin natin sa marami sa mga nakakabatang populasyon rito ay makikita sa mga arcade gaya ng Quantum habang ang mga pamilya naman ay makikita mo sa food court kung saan sila kumakain. Kapansinpansin din ang dami ng mga taong naglalakad lamang at namamasyal sa mall, mas marami pa ang makikita mong tumatambay kaysa namimili. Kapansin- pansin din ang pagkakakaunti ng mga tao sa mga shop area na mamahalin gaya ng sa may cyber zone. Di hamak na talagang diverse kuno ang mga uri ng mga taong namamalagi sa SM dahil na rin sa laki at dami ng shops na nagbibigay ng oportunidad para sa iba’t-ibang uri ng mga tao. Dito mo rin makikita ang hilig ng mga tao sa iba’t ibang uri ng entertainment lalong lalo na sa event center kung saan makikitang mong nakakumpol ang mga tao sa panonood ng beauty contest ng mga buntis, pati na rin ang singing contest matapos noon. Hindi nauubos ang pagbuhos ng tao dito kahit na noong abutin na kami ng dilim. Sa katunayan maari nating sabihin na hindi nauubos ang pagdagsa ng tao sa SM dahik hindi rin nauubos ang gagawin dito.Di gaya ng tipikal na mall kung saan ay pupunta ka lang para mamimili, pupunta ka sa SM para maglibang.
Ang pagkukumpara
Sa aming pag-oobserba sa mga tao sa Walter-mart at SM ay kapansin-pansin ang mga bagay na sumusunod:
Laki ng lugar: Ang laki ng lugar ay isang paraan para manghakot ng mga tao, ang SM halimbawa ay talaga naming napakalaki at punong puno ng iba’t-ibang mga shop na di makikita sa ibang malls. Ang walter-mart naman ay isang lugar pamilihan na malimit pinupuntahan para mamili at makamura, kakaunti ang mga tumatambay ngunit kahit maliit ay maaliwalas. Masasabing pinupuntahan ang walter mart dahil alam mo na ang iyong hinahanap at isang venue para sa mga pamilyang nagrogrocery.
Ang SM sa kabilang banda ay matatawag mong tamabayan ng bayan. Mula sa iba’t ibang shops na nagbibigy oportunidad para sa iba’t ibang klase ng mga tao mapabata, matanda, mayaman, o sakto lang ay puno rin ito ng mga events na siya naming inaabangan ng mga tao  para puntahan at panoorin. Maari ka pa ring tumambay dito na hindi nakakaramdam ng pagkailang dahil sa sobra nitong laki at dami ng tao di gaya ng sa walter-mart na wala na masyadong gagawin pagkabili mo ng iyong kailangan. 

Comparing fitness culture of two different areas


Comparison in Fitness within different areas
Aside from watching different people in malls, we have also made observance onto their leisure, in this case the fitness leisure to be found in SM and to compare it with the fitness aerobic culture of that in UPLB.
In the mall
Aerobic in the mall is visibly pretty much more of a spectacle for passers-by rather than a place to really do work-outs. For starters, the mall only does it within a space in the cyberzone, second I personally find the mall as not an optimal place for effective work out area simply because first, it’s a mall. Dancing, doing punches and all is done in the middle of the shopping area where joining in is quite discourage because of the number of passers-by looking at you. I find it a bit embarrassing because of all the eyes looking at you. Also, the air-conditioning also keeps you from sweating and oddly enough there is this guy who seems to be checking the progress of the participants which I find a bit annoying. The area is filled with distractions and that it also started a little late. The aerobics proper is filled with people mostly of women with the exemption of one guy, and he’s gay. Their participation is not that lively and it can be said that the aerobics itself is not that long given the time constraints within the mall. The aerobics can be said to cater towards those employees mostly above their 40s and older women. They often go there simply for meeting with their own peers as we notice a lot of them chattering before the program begun.
In UPLB
The hall in UPLB creates a whole different atmosphere to us compared to when we observed the mall. Here we see a much diverse number of people. One could say that it is here where we could see people actually coming to socialize and exercise. I said this because we came there at the morning wherein the university becomes more of a park open for everybody. Unlike in the mall, the people he consists of much different people from different social class. We could easily distinguish them through their accessories. People who are better of, often wears branded sports clothing like Nike and Addidas cross trainers, dri-fit tops and cycling and or dri-fit shorts for men. Some of them could even be seen to have other accessories such as earphones. We could see here that perhaps due to the size of the venue, there is quite a lot of people participating, there are almost no one simply sitting down, except of course for people passing through perhaps students and the observers which is us. The place was very comfortable as everyone is doing their own thing, and that no one would look at you should you start goofing off while trying to do the work out. I find it very comforting personally as I joined the work out myself and it didn’t feel awkward at all. Everyone is so participative; in fact people just kept on coming in to work out. This only goes to show that the venue is a factor when it comes to conducting and participating in something, in this case a mall caters to those people often trying to put a little bit of work out into their hectic lives, specifically the employees of the mall itself. UPLB on the other hand caters to a wider variety of people specially families of different status, the large venue actually focuses onto working out and since it is a Sunday morning it basically turns into one big gym campus. People come there specifically to work out, there are no shops for distraction and the there climate is optimal for sweating. 

Sunday 4 March 2012

The controversial Queer theory

Probably one of the world's most controversial theory is that of the queer theory which is apparently advocated the most by our very professor Contreras. I view this theory as part of the empowerment  movement coming from Feminism. From this theory we see one of the most powerful signs of adaptation of the marginalized in order to fit themselves well within the mainstream called patriarchy. One method that men notice is the rise of number of those buff gay people. These rise of gay men invading the epitome of manliness, the gym debunks the ongoing stereotypes of gays being those often outrageous looking cross dressers who act like little girls. As a gay friend of mine one's stated "Don't treat me like a woman, I am not one, rather treat me as who I am." They do not share the same sentiments, nor do they share the same values, which why I find it odd that we discriminate them just the same. Of course, admittedly I am homophobic, and I do discriminate but this theory enabled me to be just a bit more tolerant of such people much like the friend I quoted above.  

The French

Aside from the Iffel tower, Arc de Triomphe and the baguette, the french has delivered yet another very important gift to the world. The Traditional French cultural studies. This study is probably one of the most innovative study as it paves way to more liberal studies. It is only here that we are given the chance to finally study what is truly going on within a group of people, and what better way could we make a study of them but t to study the factors which affects the masses the most? Pop culture. The french studies has created a study most comprehensive if what you wish is to learn of the things that makes an individual tick? What makes them act the way they do and why do they react to such? It shifts focus from studying countries, states, government and its leaders to the very people that makes the said organizations/institutions work. A fine theory I must say if one wishes to study the people instead of the boring old theories probably no longer of relevance to our time.

Also the idea of the Carnival fascinates me, where the playing round no longer centers itself to being powerful. The weak poisons the mind of the strong, they make them think that being strong is wrong and immoral thus rendering the strong sympathetic to the weak and guilty because of his status. The weak while he cannot contend with the strong instead makes fun of their authority rendering them a joke, something for those on top to think about.


http://weheartit.com/naughtybutnicey                    http://www.artuji.com/funny-noybi-jokes-start-noynoy-binay-jokes-becomes-popular/5973

One thing that strikes me from this theory however, is that aside from its broadness meaning its study of popular culture results to different social interpretations is that it also gives me this personal feel. Personal in the context that it gives its subject much value unlike when a person is treated more of a data reference, in this case the person is the theory.