Ang Birmingham School ay isang school of though na nagsisilbing karibal ng frankfurt school. Parehong galing sa magkaibang academic institution ang dalawalng ito at sa aking palagay, kung ang Frankfurt sa instituion orientes, ang Birmingham nama'y people oriented. Parehong makamasa ang dalawang school of though ngunit ang birmingham lamang ang nagbibigay diin sa importansiya ng politics of everyday life. Ito marahil ang isa sa unang paraan ng pagsusuri na nagbibigay importansiya sa pulitika na nararanasan ng bawat indibidual. Natutuwa ako sa napaka creative na pagpresent ng grupo uol sa iba't ibang karanasan ng mga tao sa video, hindi naman sa natuwa akong nakikita ang what you see is what you get ad kung saan ginagaya ng bata ang nakikita niya sa matatanda, natutuwa lang ako kung gaano kasapul sa sa dibdib ang kanilang ginawa para aming maintindihan pa lalo ang importansiya ng everyday politics ng mga taong gaya mo at ako na kadalasa'y hindi binibigyang pansin dahil akala nila'y wala namant itong gaanon datos na makukuha di gaya ng pagaaral sa isang intitusyon.
http://www.masterfile.com/stock-photography/image/600-00934209/Father-Shaving-with-Son
Ang Panimula
Thursday, 29 March 2012
Frankfurt School
Ang Frankfurt school ay isang school of thought na nakasentro sa idea na hindi na ito ang panahon para sa mga rebolusyon ng mga manggagawa. Dahil ang nangyayari lang nama'y napapalitan ang nasa itaas ngunit ganoon pa rin ang nangyayari. Idinidiin dito sa frankfurt school ang paghahanap ng ibang catalysta o agent para magkaroon ng social change, maliban sa paglulungsad ng rebolusyon ng mga manggagawa, bakit hindi nalang baguhin o imaniobra ang systema para sa ikabubuti ng masa? Isang tanong na talaga namang napakaganda para sa akin. Baguhin ang systema para sa ikabubuti ng marami hindi lang ng nasa itaas.
http://mamikikeyu.wordpress.com/2011/05/12/bureaucracy-advantages-and-dis-advantages/
http://mamikikeyu.wordpress.com/2011/05/12/bureaucracy-advantages-and-dis-advantages/
Cultural Product: Ang Magnum at ang sining ng Social Climbing
Sikat, masarap, pero medyo mahal. Marahil dahil na rin sa tindi ng hype na dumating sa pilipinas dahil na rin tindi ng advertisments ay naging napaka sikat ng Magnum Ice cream. Isang ice cream na sumobrang dami ang mga fans ay naging isa na tong simbolo ng pagiging "in". Kapag nakakain ka na nito "in" ka na, pero pag lagi mo tong ipinapakitang kinakain, grabe mayaman ka na! Sosyal kumbaga. Kaya nga naman ganoon nalamang ang pag-upload ng mga tao mapa bata, matanda, sa kanikanilang mga social networking sites kun saan mayroon nang isang napagtripan ng maiinit na mata ng mga taong asar sa mga taong gaya nila. Galit sa mga pasosyal na Social Climbers
Ang Isang social climber ay isang taong nikikipag kaibigan sa taong may "kaibigan" na may mataas na estado sa lipunan, kakaibiganin niya ito upang makilala ang isa pang "kaibigang" may mas mataas na estado at sabay iiwanan ang nauna niyang kinaibigan. Tuloy tuloy lamang ito hanggang sa makarating na sila sa tuktok. Ngunit hindi lamang dito nababase ang pagiging social climber. Kung tutuusin ito'y mas lalong mapapansin kung sino ang social climber sa kanilang pag-asta. Halimbawa madalas ay sinusubukang gayahin ng isang social climber or isang sosyalera na gayahin ang porma, pag-asta, pati na rin kung paano magsalita ang mga taong mataas ang estado sa lipunan. Madalas silang nagpapakita ng kanilang social "value" kuno upang sila'y mapansin sa kaniyang mga kasama na angat sila, at para sa mga "elite" ay mapansin siya bilang kabilang sa grupo nila. Kaya natin masasabi na isang social climber ang taong kumakain ng magnum ay dahil sa pagpilit nilang maki-in sa uso, upang maipakita na sila ngay afford bumili at maglustay ng pera para lamang kumain ng ice cream na masarap lang dahil "Belgian" daw ang chocolates nila.
Kung ating susuriin, hindi na bago ang idea ng social climbing sa ating mga pilipino. Isang testamento rito ang Noli me Tanger ni Jose Rizal kung saan nagbigay siya ng dalwang hinding hindi makakalimutang mga tauhan sa kaniyang nobela. Ang alalay ng mga prayleng si Kapitan Tiago at ang pinaka sikat na social climber na si Donya Victorina de Espadana. Parehong social climber gamit ang ang depinisyon sa itaas. Si kapitan Tiago ang social climber na mahilig makipagkaibigan sa mga prayle, laging nagsasagawa ng pasimba para lamang manatili sa grupo ng matataas na kastila. Si Donya Victorina nama'y mapagpanggap na mestizang itinakwil na ang pagpapilipino at itinatawag na ang sarili bilang isang Espanol, kung inyong maaalala ang kaniyang diskripsyon ay babaeng punong puno ng kolorete, pilit kumbaga ang kaniyang pagkatao.
Isang dibuho ni Donya Victorina
Ano naman ang kinalaman ng dalawang ito sa Magnum? Sa pag-gamit ng Post-Colonial theory masasabi nating talagang ugat na ang kulturang pagkasocial climber ng ibang pilipino dahil na rin sa kalunoslunos na pag-alipusta at pagtanggal ng dangal sa ating lahi ng ating mga mananakop. Idinikdik na sa atin ng mga Espanol na tayo'y mali, na tayo'y mga inutil, mga indio, mga nakakababang nilalang at upang maiangat ang ating estado ay dapat tayong pilit makibagay sa kanila, gaya ng babaeng nasa itaas, manamit, kumain,umasta, gaya nila. Nakakaungkot mang isipin pero napaka pamilyar nitong isyu na ito hanggan sa kasalukuyan dahil hindi na nawala ang ugaling ito ng ibang pilipino na dahil na rin sa sobrang hirap ay ipinipilit na ang sarili upang makaangat, mula panahon ng Kano, hapon, kano ulit, at ang exodus ng masang Pilipino sa ibang bansa at nagpapaka Donya Victorina na sa kanikanilang Diaspora na niyayabangan ang mga naiwan dito at nagpapapansin sa mga angat roon. Makikita natin ang Stigma ng colonyal na pang-aalipusta hanggang ngayon, nandirito pa rin ang inferiority complex natin na kaialangan nating matugunan sa pagbili ng mga gamit na sosyal.
Ang magnum ngayon ang nagsisilbing simbolo ng masang pilipino sa kanilang pagsubok na makibagay sa mga "nasa itaas" ng ating henerasyon, ang mga anak ng diyos at diyosa ng ating lipunan, ang mga mayayamang "elite" na tinitingala ng masa dahil sa kanilang paningin ang Magnum Ice cream, isang ice cream na masarap ngunit mahal ay ang "Sosyal" na bersion ng sorbetes na nilalako ni Mang Caloy sa Luneta park. Kagaya ng starbucks coffee na sobrang mahal ang isang baso pero kaya mo naman bumili ng kape na pereho rin namang nakakagising sa nescafe three in 1, ganoon rin ang epekto ng magnum na para maka "in" lang bibili ka ng magnum kasi tataas ang tingin sa iyo ng mga tao, sisikat ka pa sa tropa mo.
Picture ni Manong Starr Box na nagbebenta sa may Bean Hoppers
http://www.facebook.com/people/Donya-Victorina-de-Espada%C3%B1a/100003199497809
http://mikehbeybe.tumblr.com/

Critical Commentary: Dalumat Pangkanluranin
Critical commentary Western
theory
Sino ba sa atin ang hindi
ibinabase ang kaniyang paraan ng pagsusuri gamit ang mga ideolohiyang
pangkanluranin? Magmula sa demokrasiya, hanggang sa kapitalismo, mula sa mga
tipikal na termino gaya ng “realism” at “idealism”. Kahit nga ang pag-aaral ng
ating sariling kultura ay nagmula ibinase sa paggamit ng dalumat
pangkanluranin. Sa makatuwid, talaga nga namang
napakalaking parte ng Kulturang kanluranin upang maapektuhan ang
pamamaraan nating mga Pilipino sa pag-iisip. Maniwala man tayo’t sa hindi, kung
wala ang mga dalumat na to na nagpasimula ng ganitong paraan ng pag-oobserba o
pananaliksik, hindi ko na maisip kung anong uri ang lalabas. Ngunit ano nga ba
ang mga Dalumat pangkanluranin na mga to at bakit napakabigatin ang ating turin
sa kanila sa larangan ng pananaliksik pangkultura?
Una sa aking listahan ang
aking paborito ang Post-Colonialism na nagbibigay liwanag sa kung ano ang
naranasan, at sa kasalukaya’y nararanasan ng mga dating mananakop at nasakop.
Ipinapakit dito ang ideyang hybridity ni Homi Bhabha na nagsasabing hindi
lamang ang mga nasakop ang nagkaroon ng “Dualism” o pagkakaroon ng mutation ng
kanilang kultura, nagkaroon rin ng ganoong karanasan ang kanikanilang mga
mananakop kung kaya’t makikita na nating hindi na ito tungkol sa isang
mananakop na biglaang manggugulo sa isang nasakop na walang mangyayaring
malaking pagkaapekto sa kanilang kultura kundi magkakaroon ng isang bagong
kultura dahil sa pagbanggaan ng dalawang napakamagkaibang teorya.
http://anjouclothing.com/2012/02/26/orientalism-of-the-early-1900s/
http://anjouclothing.com/2012/02/26/orientalism-of-the-early-1900s/
Ikalawa ay ang Feminism at
ang napaka controbersial na queer theory na nagsisilbing “empowerment” tool
para sa kababaihan kung saan tapos na ang pagiging “damsel in distress” na kung
walang lalaki ay wala na sila. Ipinapakita dito na hindi mahina ang mga babae
kung kaya’t kailanga’y mayroon din silang sariling mga paa at kayang tumayo
mag-isa. Ang Queer theory naman ay ang nagsisilbing deconstructing agent kuno
ng ating mga LGBT’s na hinahamon ang naghaharing macho culture. Dito mapapansin
na ang paginvade ng mga “gay” sa mga lugar na sinisimbolo ang epitome ng
pagkadiretso o pagkalalake gaya ng mga gym at basketball, pati na rin ang
military.
http://mynews.mumbleabout.com/wp-content/uploads/2011/06/gay-foxhole.jpg
http://mynews.mumbleabout.com/wp-content/uploads/2011/06/gay-foxhole.jpg
Ang Birmingham school naman
ay isang dalumat na interdisciplinary kung saan ginagamit ang iba’t ibang mga
departamento ng kaalaman upang magkaroon ng masmagandang pagsusuri ang isang
kultura o phenomena. Isa itong
school of thought na nagbibigay ilaw sa politikang pangaraw araw, ang pulitkang
pansariling kadala’y nakakaligtaan ng mga tao.
Ang kasalungat naman ng
Birmingham na ang Frankfurt school na nagbibigay pokus sa mga manggagawa at ang
elite. Binigyan ng pagsusuring itong ng diin na hindi rebolusyon kundi masusing
pagaaral ng systema ng kultura upang magkaroon ng mas maliwanag na sulusyon.
Ang huli ay ang French
theory na nagbigay ng importansiya sa minorya o sa atin nama’y ang masa at ang
pag-aaral sa pop-culture upang maliwanag na masabi kung ano nga ba ang tunay na
nangyayari sa ating mga mamamayan at ang epekto ng mass media sa pagbuo ng
kultura.
Critical Commentary: Post-Colonialism
Ang teoryang “Post-Colonialism” ay isa sa mga pinka
nangingibabaw na dalumat sa aking paningin sa konteksto ng pagsusuri ng
kulturang nananaig sa mga Pilipino. Sa anong paraan pa nga ba antin
maiintindihan ang dalumat na ito kundi sa paggamit ng sariling atin bilang
ehemplo. Ang walang kamatayang
Colonial-mentality na ating nakuha mula sa tatlong daang taong pagkakaalipin sa
mga Espanol at mahigit ilang dekdang pag-ibig sa “Mother America” na nagdikdik
sa atin na mas maganda ang gawang dayuhan dahil mas mahal at maganda ang
pagkakabalot. Talamak din sa pag-aaral ng modernong kultura ng mga Pilipino ang
epekto ng hybridity at ang pagkakaroon ng dibisyon o social standing sa mga
Pilipino na ating mababase sa pag-gamit ng elit theory. Kitang kita rito ang
pagiging talamak ng branded na gamit at iba pang mga “imported” na mga
kasangkapan.
Sa libro ni Franz Fanon ipinapakita ang kalunoslunos na
epekto noong pag-alis ng mga mananakop kung saan nagkaroon kumbaga ng stigma
ang mga nasakop na nasanay na sa pananaw na tanggapin na masama/ ang pigiging
itim o kung atin nama’y masamang maging kayunmanggi at kailangan mong makibagay
at maging gaya ng ating mananakop upang matanggap. Nagkakaroon ng inferiority
complex na ating mababase ang pinanggagalingan ng ideyang foreign is better.
Isa pang magandang halimbawa ay ang basehan ng isang Pilipina para masabing
maganda ang isang bagay Sadiyang kalunoslunos ng kagaya ng sinabi sa isang
yahoo! Article na nagbigay ng survey kung ano nga ba ang ibigsabihin ng
kgandahan sa kanila, marami ang nagsabing kailangang sila’y maputi. Nakakabigla
dahil itong ito ang pinaka trahedya nating mga Pilipino na tinatawag na
kaaya-aya ang kulay na hindi natural sa ating lahi, at hindi pagmahal sa ating
sarili.
Naoobserbahan rin natin ang pagkakaroon natin ng Hybridity
kung saan ng pinaka magandang halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng bagong
pamamaraan ng pananalita gaya ng taglish o ang pagsama ng dialektong tagalog at
inlges sa mga pananalita ng mga Pilipino. Makikita rin ito sa mga Filipino
diaspora sa ibang bansa kung saan nagkakaroon ng impluwensiya ang mga Pilipino
sa mga local ng kanilang bansang tinutuluyan.
Sadiyang napakaganda ng teoryang post-colonial para sa aking
pananaw dahil ito’y ang nakikita kong dalumat pangkanluranin nagbibigay liwanag
sa ating karanasan at nararanasan bilang mga Pilipino na hanggang ngayon ay
kita parin ang peklat sa ating kultura na ginawa ng ating mga mananakop.
Critical Commentary: Indigenous theory
Ang pagsasakatutubo
ng teoriyang Pampilipino
Nakakatuwa nga namang isipin na sa wakas, matapos an gating
pag-aaral ng mga dalumat ng mga kanluranin, mga ideyang nagmula sa mga baying
kadalasang hindi maaring ikumpara sa atin ay nagkaroon na rin tayo ng sariling
basehan ng ating pag-aaral ng ating pamumuhay. Bakit nga ba natin ipipilit
gamitin ang mga paraan ng pag-oobserba na ginamit ng mga Amerikano, Pranses at
kung sino sino pa? Sa totoo naman ay hindi nila gaanong nasasakop ang lahat ng
aspetong nagsasapilipino sa atin?
Kaya nga naman tinutuligsa ng Indeginazation theory and
ideya na paggamit ng dalumat pangkanluranin bilang pagbase sa pagoobserba ng
pamumuhay ng mga Pilipino, ika nga nila’y hindi ito nababagay at kailangan sa
ating mga Pilipino mismo manggaling ang paggawa ng sarili nating dalumat upang
masusing “mainterpret” an gating pagkapilipino mula sa pananaw ng isang
Pilipino.
Ang nakaktuwa rito’y sa wakas nagkakaroon narin ng paggalaw
ang ating mga mananaliksik upang magkaroon din tayo ng dalumat na matatawag
nating atin. Ang Sikolohiyang Pilipino halimbawa, ang pangangaliangang
magkaroon tayo ng isang basehan ng pag-aaral sa ating napaka “diverse” na
kulturang Pilipino upang tayo’y magkaroon nga ng iisang depinisyon ng kung ano
nga ba ang pagiging Pilipino. Isang sikolohiya gaya nga ng ngalan ng teorya, na
akmang akma o saktong sakto sa pangangaialangan ng pag-iintindi ng iba-ibang
kulturang bumubuo ng pagkapilino.
Sa isa namang banda ay nasasakop din ang ideyang paggamit ng
parehong dalumat kanluranin ngunit sa mata naman ng Pilipino dahil sinasabing
kahit hindi perpekto ay may pakinabang din naman ang mga dalumat na ito sa
pagintindi ng ating sariling kultura, kung tutuusin dito nga naman kasi tayo
nagsimulang lahat. Kaya nga naman pumapasok ang Pilipinohiya na nagsisilbing
hybrid sa aking paningin ng Sikolohiyang Pilipino at ng mga kanluraning
dalumat. Hindi rin naman kasi natin maitatanggi na dito nanggaling halos lahat
ng ating paraan ng pagsusuri, nagkataon lamang na wala rito talagang akma upang
mapasinayangan ang diwa ng pagkapilipino.
Ito’y isang teoryang napaka personal sa aking paningin dahil
marami sa atin dito ang nakikiramay sa mga pagobserba ng Indegenous theory,
kailangan pa nga nito sa aking palagay ng mas matinding pagsuporta upang
makamit ang pagkakaroon ng isang teorya o paraan ng pausuring magkakapsula a
pagaaral ng kulturang Pilipino sa mata ng mga Pilipino.
Isang napakagandang halimbawa ng ating pagkapilino ay ang makikita sa link na ito, inyo sanang tignan.
Sunday, 25 March 2012
Ang Liliw, Luisiana at Lucban
Leisure and a
Sa aming pagpunta sa iba’t
ibang parte ng lugar sa Laguna ay aming napansin na kakaiba nga naman ang mga
uri ng pag-lilibang ng mga tao na napaparoon. Sa Liliw ating mapapansin na ang
mga tao doon ay madalas magbenta, ang mga tsinelas ay napakarami gaya nga ng
kanilang festival ay ating mapapansin na ito’y parang isang malaking mall na
punong puno ng mga kiosk. Kitang kita dito kung sino ang mga dayo sa mga local.
Marami sa mga taga rito ay kadalasang nagbebenta ng mga pagkain, at mga damit
lalo na mga sapatos. Nakakatuwang pansinin ang mga dayong kagaya naming na
nagkakandarapa sa pagpipicutre at pagbili ng mga souvenir kung hindi man ay ang
pagpitingin ng mga sapatos na hindi naming mabili dahil walang pera. Nakaktuwa
din tignan ang dami ng mga iba’t ibang
delikasiya rito gaya ng kesong puti na aming kinain pagkadating sa hotel pati
na rin ang bibingkang gawa sa luto. Kakaiba rin ang pakakaluto nila sa bukong
ito kaya nga namang talagang nakakatuwang pansinin ito. Mapapansin din ang mga
rumorondang mga tanod na nag-aanounce ng mga mangyayaring “events” para sa
darating na piyesta. Kakaunit lamang ang makikita mong mga taong lumilibot sa
parte ng bayan na iyon sapagkat marami sa mga local roon ay nagbebenta sa mga
dayong katulad natin.
Sa may Luisiana naman, ating
mapapansin ang katahimikan ng lugar. Ang tinatawag nilang pandan festival ay mukhang
nakapokus lamang sa isang parte ng bayan na nagbebenta ng mga kasangapang gawa
sa pandan. Ang lugar ay malawak at kapansin pansing di gaanong magulo ngunit
puno ng mga batang naglalaro sa parke kung saan kami nakikipag diskurso tungkol
sa aspeto ng industriya at kultura na aking isiniyasat sa isa ko pang blog. Mayroon
ding mga taong kumakanta o nagvivideoke ngunit sa kabila ng lahat ng ito’y wala
nang gaanong nangyayari.
Sa Lucban ang huling bayang aming
pinuntahahan naparoon ang isa sa pinakamagarbong piyest ng pahiyas. Mapapansin
sa lugar na ito ang ingay na nagmumula sa mga bata sa may eskuwelahan dahil na
rin sa tapos na ang kanilang pasukan. Mapapansin din ang pagkabusy kuno ng mga
tao dito, maraming mga pamilihan lalo na ng longanisa at pansit pati na rin ang
paborito kong broas. Kapansinpansin din ang night life doon sa nasabing bayan
dahil sa tapat pa lamang ng aming hotel ay may bar nang nakantabay para sa mga
nais makapag “unwind”. Sa gabi ay talaga nga naman makulay ang parke sa tabi ng
aming tinutuluyan at mapapansin na kahit noong umuulan ay naglalaro pa rin ang
mga bata rito.
Sa pagkukumpara ng mga lugar
sa mga baying aming napuntahan, masasabi nating puno ang mga ito ng mga iba’t-ibang
mga paraan ng paglilibang at mga ginagawa ng mga tao pampalipas oras, marami sa
mga taga Liliw ang nakapokus sa pagbenta ng kanilang mga produkto lalo na at
malapit na ang kanilang pista, para bang isa itong napakalaking palengke habang
ang luisian naman ay isang napakatahimik na lungsod kung ikukumpara mo sa
tatlo, walang masiyadong nangyayari at wala ring masyadong ginagawa. Ang Lucban
naman ang para sa akin ay pinaka maganda, pinaka buhay na kahit gabi na ay
sadiyang makulay pa rin. Masarap pa ang kanilang pansit pati na rin ang
kanilang longganisa.
http://www.pinoytravelblog.com/roadtrip/571/pahiyas-festival-2007-lucban-quezon
Nakita ko to noong naglalakad lakad ako noong umaga, gusto ko sanang bilhin lalo na nung natikman ko yun sa may Buddy's kaso wala na kong pera. Mas nagustuhan ko to kaysa sa Vigan, medyo malasa kasi at hindi matamis, yun ang paborito ko.
http://ph.openrice.com/manila/restaurant/sr2.htm?shopid=11759
Ang world famous pansit Lucban ng well.. Lucban. Kinuhang photo mula sa Buddy's restaurant na kahit tatlong tao tataob sa sobrang sarap. Subukan ninyo.

Subscribe to:
Posts (Atom)