Sunday 25 March 2012

Comparing Mall culture


Sa aming pagpunta sa mga mall ng Laguna, kami’y nagsimulang pag-aralan at ipag-kumpara ang mga uri ng mga tao na pumupunta rito.
Ating bigyan ng pokus ang mga ito
Walter-Mart
Ang mall na ito hindi gaanong malaki ngunit puno ng mga kiosk at stall sa kanilang main hall. Masasabi nating ito’y parang isang malaking supermarket at department store kung saan mapaparito ka hindi para tumambay kundi mamili. Puno rin ito ng mga budget shops gaya ng mga surplus stores sa damit, appliances, pati na rin ang mga kagamitang pambahay. Malimit na ang mga pumupunta ritong mga tao ay mga pamilya na madalas makikita sa supermarket at naghahanap ng kanikanilang mga kasangkapan. Bibihira rito ang mga teenagers na madalas mo nama’y naproroon sa may sinehan. Kitang kita ang pagkakonti ng mga tao dito kahit na nagsimula kami sa aming pag-oobserba noong tanghali ng biyernes na ating masasabing araw ng pamamasyal ng mga nakakabatang populasyon. Bibihira kang makakita dito ng mga nag-wiwindow shopping o mga tao na tumitingin tingin lamang ng mga produkto ng mga shops. Kakaunti ang mga lugar panlibangan at masasabi nating mapaparito ka talaga para mamili ng kasangkapan at hindi ito ang tipikal na lugar na pinupuntahan ng mga tao panlibangan.

SM
Ang SM ay isang napakalaking mall na puno ng malawak na variety ng mga shops. Mapapansin natin na makikita sa estado ng buhay ng mga tao sa mga parte ng mall kung saan sila namamalagi. Mapapansin natin sa marami sa mga nakakabatang populasyon rito ay makikita sa mga arcade gaya ng Quantum habang ang mga pamilya naman ay makikita mo sa food court kung saan sila kumakain. Kapansinpansin din ang dami ng mga taong naglalakad lamang at namamasyal sa mall, mas marami pa ang makikita mong tumatambay kaysa namimili. Kapansin- pansin din ang pagkakakaunti ng mga tao sa mga shop area na mamahalin gaya ng sa may cyber zone. Di hamak na talagang diverse kuno ang mga uri ng mga taong namamalagi sa SM dahil na rin sa laki at dami ng shops na nagbibigay ng oportunidad para sa iba’t-ibang uri ng mga tao. Dito mo rin makikita ang hilig ng mga tao sa iba’t ibang uri ng entertainment lalong lalo na sa event center kung saan makikitang mong nakakumpol ang mga tao sa panonood ng beauty contest ng mga buntis, pati na rin ang singing contest matapos noon. Hindi nauubos ang pagbuhos ng tao dito kahit na noong abutin na kami ng dilim. Sa katunayan maari nating sabihin na hindi nauubos ang pagdagsa ng tao sa SM dahik hindi rin nauubos ang gagawin dito.Di gaya ng tipikal na mall kung saan ay pupunta ka lang para mamimili, pupunta ka sa SM para maglibang.
Ang pagkukumpara
Sa aming pag-oobserba sa mga tao sa Walter-mart at SM ay kapansin-pansin ang mga bagay na sumusunod:
Laki ng lugar: Ang laki ng lugar ay isang paraan para manghakot ng mga tao, ang SM halimbawa ay talaga naming napakalaki at punong puno ng iba’t-ibang mga shop na di makikita sa ibang malls. Ang walter-mart naman ay isang lugar pamilihan na malimit pinupuntahan para mamili at makamura, kakaunti ang mga tumatambay ngunit kahit maliit ay maaliwalas. Masasabing pinupuntahan ang walter mart dahil alam mo na ang iyong hinahanap at isang venue para sa mga pamilyang nagrogrocery.
Ang SM sa kabilang banda ay matatawag mong tamabayan ng bayan. Mula sa iba’t ibang shops na nagbibigy oportunidad para sa iba’t ibang klase ng mga tao mapabata, matanda, mayaman, o sakto lang ay puno rin ito ng mga events na siya naming inaabangan ng mga tao  para puntahan at panoorin. Maari ka pa ring tumambay dito na hindi nakakaramdam ng pagkailang dahil sa sobra nitong laki at dami ng tao di gaya ng sa walter-mart na wala na masyadong gagawin pagkabili mo ng iyong kailangan. 

No comments:

Post a Comment