Critical commentary Western
theory
Sino ba sa atin ang hindi
ibinabase ang kaniyang paraan ng pagsusuri gamit ang mga ideolohiyang
pangkanluranin? Magmula sa demokrasiya, hanggang sa kapitalismo, mula sa mga
tipikal na termino gaya ng “realism” at “idealism”. Kahit nga ang pag-aaral ng
ating sariling kultura ay nagmula ibinase sa paggamit ng dalumat
pangkanluranin. Sa makatuwid, talaga nga namang
napakalaking parte ng Kulturang kanluranin upang maapektuhan ang
pamamaraan nating mga Pilipino sa pag-iisip. Maniwala man tayo’t sa hindi, kung
wala ang mga dalumat na to na nagpasimula ng ganitong paraan ng pag-oobserba o
pananaliksik, hindi ko na maisip kung anong uri ang lalabas. Ngunit ano nga ba
ang mga Dalumat pangkanluranin na mga to at bakit napakabigatin ang ating turin
sa kanila sa larangan ng pananaliksik pangkultura?
Una sa aking listahan ang
aking paborito ang Post-Colonialism na nagbibigay liwanag sa kung ano ang
naranasan, at sa kasalukaya’y nararanasan ng mga dating mananakop at nasakop.
Ipinapakit dito ang ideyang hybridity ni Homi Bhabha na nagsasabing hindi
lamang ang mga nasakop ang nagkaroon ng “Dualism” o pagkakaroon ng mutation ng
kanilang kultura, nagkaroon rin ng ganoong karanasan ang kanikanilang mga
mananakop kung kaya’t makikita na nating hindi na ito tungkol sa isang
mananakop na biglaang manggugulo sa isang nasakop na walang mangyayaring
malaking pagkaapekto sa kanilang kultura kundi magkakaroon ng isang bagong
kultura dahil sa pagbanggaan ng dalawang napakamagkaibang teorya.












http://anjouclothing.com/2012/02/26/orientalism-of-the-early-1900s/
http://anjouclothing.com/2012/02/26/orientalism-of-the-early-1900s/
Ikalawa ay ang Feminism at
ang napaka controbersial na queer theory na nagsisilbing “empowerment” tool
para sa kababaihan kung saan tapos na ang pagiging “damsel in distress” na kung
walang lalaki ay wala na sila. Ipinapakita dito na hindi mahina ang mga babae
kung kaya’t kailanga’y mayroon din silang sariling mga paa at kayang tumayo
mag-isa. Ang Queer theory naman ay ang nagsisilbing deconstructing agent kuno
ng ating mga LGBT’s na hinahamon ang naghaharing macho culture. Dito mapapansin
na ang paginvade ng mga “gay” sa mga lugar na sinisimbolo ang epitome ng
pagkadiretso o pagkalalake gaya ng mga gym at basketball, pati na rin ang
military.
http://mynews.mumbleabout.com/wp-content/uploads/2011/06/gay-foxhole.jpg
http://mynews.mumbleabout.com/wp-content/uploads/2011/06/gay-foxhole.jpg
Ang Birmingham school naman
ay isang dalumat na interdisciplinary kung saan ginagamit ang iba’t ibang mga
departamento ng kaalaman upang magkaroon ng masmagandang pagsusuri ang isang
kultura o phenomena. Isa itong
school of thought na nagbibigay ilaw sa politikang pangaraw araw, ang pulitkang
pansariling kadala’y nakakaligtaan ng mga tao.
Ang kasalungat naman ng
Birmingham na ang Frankfurt school na nagbibigay pokus sa mga manggagawa at ang
elite. Binigyan ng pagsusuring itong ng diin na hindi rebolusyon kundi masusing
pagaaral ng systema ng kultura upang magkaroon ng mas maliwanag na sulusyon.
Ang huli ay ang French
theory na nagbigay ng importansiya sa minorya o sa atin nama’y ang masa at ang
pag-aaral sa pop-culture upang maliwanag na masabi kung ano nga ba ang tunay na
nangyayari sa ating mga mamamayan at ang epekto ng mass media sa pagbuo ng
kultura.
No comments:
Post a Comment