Sunday 25 March 2012

Ang Liliw, Luisiana at Lucban


Leisure and a
Sa aming pagpunta sa iba’t ibang parte ng lugar sa Laguna ay aming napansin na kakaiba nga naman ang mga uri ng pag-lilibang ng mga tao na napaparoon. Sa Liliw ating mapapansin na ang mga tao doon ay madalas magbenta, ang mga tsinelas ay napakarami gaya nga ng kanilang festival ay ating mapapansin na ito’y parang isang malaking mall na punong puno ng mga kiosk. Kitang kita dito kung sino ang mga dayo sa mga local. Marami sa mga taga rito ay kadalasang nagbebenta ng mga pagkain, at mga damit lalo na mga sapatos. Nakakatuwang pansinin ang mga dayong kagaya naming na nagkakandarapa sa pagpipicutre at pagbili ng mga souvenir kung hindi man ay ang pagpitingin ng mga sapatos na hindi naming mabili dahil walang pera. Nakaktuwa din tignan ang dami ng  mga iba’t ibang delikasiya rito gaya ng kesong puti na aming kinain pagkadating sa hotel pati na rin ang bibingkang gawa sa luto. Kakaiba rin ang pakakaluto nila sa bukong ito kaya nga namang talagang nakakatuwang pansinin ito. Mapapansin din ang mga rumorondang mga tanod na nag-aanounce ng mga mangyayaring “events” para sa darating na piyesta. Kakaunit lamang ang makikita mong mga taong lumilibot sa parte ng bayan na iyon sapagkat marami sa mga local roon ay nagbebenta sa mga dayong katulad natin.

Sa may Luisiana naman, ating mapapansin ang katahimikan ng lugar. Ang tinatawag nilang pandan festival ay mukhang nakapokus lamang sa isang parte ng bayan na nagbebenta ng mga kasangapang gawa sa pandan. Ang lugar ay malawak at kapansin pansing di gaanong magulo ngunit puno ng mga batang naglalaro sa parke kung saan kami nakikipag diskurso tungkol sa aspeto ng industriya at kultura na aking isiniyasat sa isa ko pang blog. Mayroon ding mga taong kumakanta o nagvivideoke ngunit sa kabila ng lahat ng ito’y wala nang gaanong nangyayari.

Sa Lucban ang huling bayang aming pinuntahahan naparoon ang isa sa pinakamagarbong piyest ng pahiyas. Mapapansin sa lugar na ito ang ingay na nagmumula sa mga bata sa may eskuwelahan dahil na rin sa tapos na ang kanilang pasukan. Mapapansin din ang pagkabusy kuno ng mga tao dito, maraming mga pamilihan lalo na ng longanisa at pansit pati na rin ang paborito kong broas. Kapansinpansin din ang night life doon sa nasabing bayan dahil sa tapat pa lamang ng aming hotel ay may bar nang nakantabay para sa mga nais makapag “unwind”. Sa gabi ay talaga nga naman makulay ang parke sa tabi ng aming tinutuluyan at mapapansin na kahit noong umuulan ay naglalaro pa rin ang mga bata rito.

Sa pagkukumpara ng mga lugar sa mga baying aming napuntahan, masasabi nating puno ang mga ito ng mga iba’t-ibang mga paraan ng paglilibang at mga ginagawa ng mga tao pampalipas oras, marami sa mga taga Liliw ang nakapokus sa pagbenta ng kanilang mga produkto lalo na at malapit na ang kanilang pista, para bang isa itong napakalaking palengke habang ang luisian naman ay isang napakatahimik na lungsod kung ikukumpara mo sa tatlo, walang masiyadong nangyayari at wala ring masyadong ginagawa. Ang Lucban naman ang para sa akin ay pinaka maganda, pinaka buhay na kahit gabi na ay sadiyang makulay pa rin. Masarap pa ang kanilang pansit pati na rin ang kanilang longganisa.



http://www.pinoytravelblog.com/roadtrip/571/pahiyas-festival-2007-lucban-quezon

Nakita ko to noong naglalakad lakad ako noong umaga, gusto ko sanang bilhin lalo na nung natikman ko yun sa may Buddy's kaso wala na kong pera. Mas nagustuhan ko to kaysa sa Vigan, medyo malasa kasi at hindi matamis, yun ang paborito ko.

Great!
http://ph.openrice.com/manila/restaurant/sr2.htm?shopid=11759

Ang world famous pansit Lucban ng well.. Lucban. Kinuhang photo mula sa Buddy's restaurant na kahit tatlong tao tataob sa sobrang sarap. Subukan ninyo.

No comments:

Post a Comment