Thursday 29 March 2012

Cultural Product: Ang Magnum at ang sining ng Social Climbing


Sikat, masarap, pero medyo mahal. Marahil dahil na rin sa tindi ng hype na dumating sa pilipinas dahil na rin tindi ng advertisments ay naging napaka sikat ng Magnum Ice cream. Isang ice cream na sumobrang dami ang mga fans ay naging isa na tong simbolo ng pagiging "in". Kapag nakakain ka na nito "in" ka na, pero pag lagi mo tong ipinapakitang kinakain, grabe mayaman ka na! Sosyal kumbaga. Kaya nga naman ganoon nalamang ang pag-upload ng mga tao mapa bata, matanda, sa kanikanilang mga social networking sites kun saan mayroon nang isang napagtripan ng maiinit na mata ng mga taong asar sa mga taong gaya nila. Galit sa mga pasosyal na Social Climbers

Ang Isang social climber ay isang taong nikikipag kaibigan sa taong may "kaibigan" na may mataas na estado sa lipunan, kakaibiganin niya ito upang makilala ang isa pang "kaibigang" may mas mataas na estado at sabay iiwanan ang nauna niyang kinaibigan. Tuloy tuloy lamang ito hanggang sa makarating na sila sa tuktok. Ngunit hindi lamang dito nababase ang pagiging social climber. Kung tutuusin ito'y mas lalong mapapansin kung sino ang social climber sa kanilang pag-asta. Halimbawa madalas ay sinusubukang gayahin ng isang social climber or isang sosyalera na gayahin ang porma, pag-asta, pati na rin kung paano magsalita ang mga taong mataas ang estado sa lipunan. Madalas silang nagpapakita ng kanilang social "value" kuno upang sila'y mapansin sa kaniyang mga kasama na angat sila, at para sa mga "elite" ay mapansin siya bilang kabilang sa grupo nila. Kaya natin masasabi na isang social climber ang taong kumakain ng magnum ay dahil sa pagpilit nilang maki-in sa uso, upang maipakita na sila ngay afford bumili at maglustay ng pera para lamang kumain ng ice cream na masarap lang dahil "Belgian" daw ang chocolates nila.

Kung ating susuriin, hindi na bago ang idea ng social climbing sa ating mga pilipino. Isang testamento rito ang Noli me Tanger ni Jose Rizal kung saan nagbigay siya ng dalwang hinding hindi makakalimutang mga tauhan sa kaniyang nobela. Ang alalay ng mga prayleng si Kapitan Tiago at ang pinaka sikat na social climber na si Donya  Victorina de Espadana. Parehong social climber gamit ang ang depinisyon sa itaas. Si kapitan Tiago ang social climber na mahilig makipagkaibigan sa mga prayle, laging nagsasagawa ng pasimba para lamang manatili sa grupo ng matataas na kastila. Si Donya Victorina nama'y mapagpanggap na mestizang itinakwil na ang pagpapilipino at itinatawag na ang sarili bilang isang Espanol, kung inyong maaalala ang kaniyang diskripsyon ay babaeng punong puno ng kolorete, pilit kumbaga ang kaniyang pagkatao.




Isang dibuho ni Donya Victorina

Ano naman ang kinalaman ng dalawang ito sa Magnum? Sa pag-gamit ng Post-Colonial theory masasabi nating talagang ugat na ang kulturang pagkasocial climber ng ibang pilipino dahil na rin sa kalunoslunos na pag-alipusta at pagtanggal ng dangal sa ating lahi ng ating mga mananakop. Idinikdik na sa atin ng mga Espanol na tayo'y mali, na tayo'y mga inutil, mga indio, mga nakakababang nilalang at upang maiangat ang ating estado ay dapat tayong pilit makibagay sa kanila, gaya ng babaeng nasa itaas, manamit, kumain,umasta, gaya nila. Nakakaungkot mang isipin pero napaka pamilyar nitong isyu na ito hanggan sa kasalukuyan dahil hindi na nawala ang ugaling ito ng ibang pilipino na dahil na rin sa sobrang hirap ay ipinipilit na ang sarili upang makaangat, mula panahon ng Kano, hapon, kano ulit, at ang exodus ng masang Pilipino sa ibang bansa at nagpapaka Donya Victorina na sa kanikanilang Diaspora na niyayabangan ang mga naiwan dito at nagpapapansin sa mga angat roon. Makikita natin ang Stigma ng colonyal na pang-aalipusta hanggang ngayon, nandirito pa rin ang inferiority complex natin na kaialangan nating matugunan sa pagbili ng mga gamit na sosyal.

 Ang magnum ngayon ang nagsisilbing simbolo ng masang pilipino sa kanilang pagsubok na makibagay sa mga "nasa itaas" ng ating henerasyon, ang mga anak ng diyos at diyosa ng ating lipunan, ang mga mayayamang "elite" na tinitingala ng masa dahil sa kanilang paningin ang Magnum Ice cream, isang ice cream na masarap ngunit mahal ay ang "Sosyal" na bersion ng sorbetes na nilalako ni Mang Caloy sa Luneta park. Kagaya ng starbucks coffee na sobrang mahal ang isang baso pero kaya mo naman bumili ng kape na pereho rin namang nakakagising sa nescafe three in 1, ganoon rin ang epekto ng magnum na para maka "in" lang bibili ka ng magnum kasi tataas ang tingin sa iyo ng mga tao, sisikat ka pa sa tropa mo.




 Picture ni Manong Starr Box na nagbebenta sa may Bean Hoppers
http://www.facebook.com/people/Donya-Victorina-de-Espada%C3%B1a/100003199497809
http://mikehbeybe.tumblr.com/

No comments:

Post a Comment