Sa aming paglakabay sa nayon ng Laguna, aming natalakay mula sa
aming mga speaker ang napakainteresanteng penomena na nagaganap ngayon sa ating
bansa. Ang pag-usbong ng mga piyesta sa mga samu't saring mga nayon na ating
mapapansin hindi lamang sa aming mga napuntahan na nayon, kundi atin ring
mapapansin sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Sa unang tingin ay talaga nga
namang nakakatuwa na makita na nagkakaroon na marahil ng pagtingin
pangkulutural ang mga Pilipino at muli nilang ibinunubuhay ang mga sarili nilang
mga kultura sa kanikanilang mga bayan. Ngunit marahil ito'y isa lamang
mapatalinghagang paghuhusga dahil kung ito'y susuriing mabuti, ating makikita
na hindi kaya nagusbong ang mga bagong pagdiriwang na ito dahil sa pagdami ng
mga turista maging dayuhan man o lokal? Dahil dumarami ang kita kung may isang
piyestang inaabangan ng buong mundo para makita? Dahil may kultura kasi
mayroong industriya?
Habang aming pinakikinggan ang mga diskusyon ng aming mga speaker
ay napansin ko agad ang inilalathala ng pagka praktikal ng mga tao ngayon. Kung
saan ang kita, doon sila. Kung ang ibig sa bihin nito’y gagawa sila ng bagong
piyesta na walang kinalaman sa kultura nila, ay gagawin pa rin nila. Ang pandan
festival ay isang magandang ehemplo nito. Makikita natin na ang isang piyesta
ay nagpapakita ng pasasalamat ng magandang ani, at ang mga festival kuno
nakanilang ipinapagdiwang ay kadalasang ginagamit bilang representasyon ng mga
pangunahing mga produkto na kanilang ginagamit para makabenta. Ngunit ang
pandan ay hindi na isang pangunahing produkto ng nayon na iyon kaya nga naman
sadiyang nakakalungkot sabihin na talaga nga naming nagiging pokus na nito ang
pagiging isang commercialized na piyetsa para lamang sa kita at nawawala na ang
pagka ispiritual o ang pinaka “sense” nito. Talagang nakakabahala dahil ang
trend ngayon upang makaangat ang ating ekonomiya ay gumagawa na lamang tayo
nang kung ano anong mga gimik para lamang makilala at kumita. Parang Show-time
kumbaga.
No comments:
Post a Comment