Thursday 29 March 2012

Critical Commentary: Post-Colonialism


Ang teoryang “Post-Colonialism” ay isa sa mga pinka nangingibabaw na dalumat sa aking paningin sa konteksto ng pagsusuri ng kulturang nananaig sa mga Pilipino. Sa anong paraan pa nga ba antin maiintindihan ang dalumat na ito kundi sa paggamit ng sariling atin bilang ehemplo.  Ang walang kamatayang Colonial-mentality na ating nakuha mula sa tatlong daang taong pagkakaalipin sa mga Espanol at mahigit ilang dekdang pag-ibig sa “Mother America” na nagdikdik sa atin na mas maganda ang gawang dayuhan dahil mas mahal at maganda ang pagkakabalot. Talamak din sa pag-aaral ng modernong kultura ng mga Pilipino ang epekto ng hybridity at ang pagkakaroon ng dibisyon o social standing sa mga Pilipino na ating mababase sa pag-gamit ng elit theory. Kitang kita rito ang pagiging talamak ng branded na gamit at iba pang mga “imported” na mga kasangkapan.

Sa libro ni Franz Fanon ipinapakita ang kalunoslunos na epekto noong pag-alis ng mga mananakop kung saan nagkaroon kumbaga ng stigma ang mga nasakop na nasanay na sa pananaw na tanggapin na masama/ ang pigiging itim o kung atin nama’y masamang maging kayunmanggi at kailangan mong makibagay at maging gaya ng ating mananakop upang matanggap. Nagkakaroon ng inferiority complex na ating mababase ang pinanggagalingan ng ideyang foreign is better. Isa pang magandang halimbawa ay ang basehan ng isang Pilipina para masabing maganda ang isang bagay Sadiyang kalunoslunos ng kagaya ng sinabi sa isang yahoo! Article na nagbigay ng survey kung ano nga ba ang ibigsabihin ng kgandahan sa kanila, marami ang nagsabing kailangang sila’y maputi. Nakakabigla dahil itong ito ang pinaka trahedya nating mga Pilipino na tinatawag na kaaya-aya ang kulay na hindi natural sa ating lahi, at hindi pagmahal sa ating sarili.

Naoobserbahan rin natin ang pagkakaroon natin ng Hybridity kung saan ng pinaka magandang halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng bagong pamamaraan ng pananalita gaya ng taglish o ang pagsama ng dialektong tagalog at inlges sa mga pananalita ng mga Pilipino. Makikita rin ito sa mga Filipino diaspora sa ibang bansa kung saan nagkakaroon ng impluwensiya ang mga Pilipino sa mga local ng kanilang bansang tinutuluyan.
Sadiyang napakaganda ng teoryang post-colonial para sa aking pananaw dahil ito’y ang nakikita kong dalumat pangkanluranin nagbibigay liwanag sa ating karanasan at nararanasan bilang mga Pilipino na hanggang ngayon ay kita parin ang peklat sa ating kultura na ginawa ng ating mga mananakop.

No comments:

Post a Comment