Thursday 29 March 2012

Critical Commentary: Indigenous theory


Ang pagsasakatutubo ng teoriyang Pampilipino

Nakakatuwa nga namang isipin na sa wakas, matapos an gating pag-aaral ng mga dalumat ng mga kanluranin, mga ideyang nagmula sa mga baying kadalasang hindi maaring ikumpara sa atin ay nagkaroon na rin tayo ng sariling basehan ng ating pag-aaral ng ating pamumuhay. Bakit nga ba natin ipipilit gamitin ang mga paraan ng pag-oobserba na ginamit ng mga Amerikano, Pranses at kung sino sino pa? Sa totoo naman ay hindi nila gaanong nasasakop ang lahat ng aspetong nagsasapilipino sa atin? 

Kaya nga naman tinutuligsa ng Indeginazation theory and ideya na paggamit ng dalumat pangkanluranin bilang pagbase sa pagoobserba ng pamumuhay ng mga Pilipino, ika nga nila’y hindi ito nababagay at kailangan sa ating mga Pilipino mismo manggaling ang paggawa ng sarili nating dalumat upang masusing “mainterpret” an gating pagkapilipino mula sa pananaw ng isang Pilipino.

Ang nakaktuwa rito’y sa wakas nagkakaroon narin ng paggalaw ang ating mga mananaliksik upang magkaroon din tayo ng dalumat na matatawag nating atin. Ang Sikolohiyang Pilipino halimbawa, ang pangangaliangang magkaroon tayo ng isang basehan ng pag-aaral sa ating napaka “diverse” na kulturang Pilipino upang tayo’y magkaroon nga ng iisang depinisyon ng kung ano nga ba ang pagiging Pilipino. Isang sikolohiya gaya nga ng ngalan ng teorya, na akmang akma o saktong sakto sa pangangaialangan ng pag-iintindi ng iba-ibang kulturang bumubuo ng pagkapilino.

Sa isa namang banda ay nasasakop din ang ideyang paggamit ng parehong dalumat kanluranin ngunit sa mata naman ng Pilipino dahil sinasabing kahit hindi perpekto ay may pakinabang din naman ang mga dalumat na ito sa pagintindi ng ating sariling kultura, kung tutuusin dito nga naman kasi tayo nagsimulang lahat. Kaya nga naman pumapasok ang Pilipinohiya na nagsisilbing hybrid sa aking paningin ng Sikolohiyang Pilipino at ng mga kanluraning dalumat. Hindi rin naman kasi natin maitatanggi na dito nanggaling halos lahat ng ating paraan ng pagsusuri, nagkataon lamang na wala rito talagang akma upang mapasinayangan ang diwa ng pagkapilipino.

Ito’y isang teoryang napaka personal sa aking paningin dahil marami sa atin dito ang nakikiramay sa mga pagobserba ng Indegenous theory, kailangan pa nga nito sa aking palagay ng mas matinding pagsuporta upang makamit ang pagkakaroon ng isang teorya o paraan ng pausuring magkakapsula a pagaaral ng kulturang Pilipino sa mata ng mga Pilipino.

Isang napakagandang halimbawa ng ating pagkapilino ay ang makikita sa link na ito, inyo sanang tignan.

No comments:

Post a Comment