Ang Birmingham School ay isang school of though na nagsisilbing karibal ng frankfurt school. Parehong galing sa magkaibang academic institution ang dalawalng ito at sa aking palagay, kung ang Frankfurt sa instituion orientes, ang Birmingham nama'y people oriented. Parehong makamasa ang dalawang school of though ngunit ang birmingham lamang ang nagbibigay diin sa importansiya ng politics of everyday life. Ito marahil ang isa sa unang paraan ng pagsusuri na nagbibigay importansiya sa pulitika na nararanasan ng bawat indibidual. Natutuwa ako sa napaka creative na pagpresent ng grupo uol sa iba't ibang karanasan ng mga tao sa video, hindi naman sa natuwa akong nakikita ang what you see is what you get ad kung saan ginagaya ng bata ang nakikita niya sa matatanda, natutuwa lang ako kung gaano kasapul sa sa dibdib ang kanilang ginawa para aming maintindihan pa lalo ang importansiya ng everyday politics ng mga taong gaya mo at ako na kadalasa'y hindi binibigyang pansin dahil akala nila'y wala namant itong gaanon datos na makukuha di gaya ng pagaaral sa isang intitusyon.
http://www.masterfile.com/stock-photography/image/600-00934209/Father-Shaving-with-Son
Thursday, 29 March 2012
Frankfurt School
Ang Frankfurt school ay isang school of thought na nakasentro sa idea na hindi na ito ang panahon para sa mga rebolusyon ng mga manggagawa. Dahil ang nangyayari lang nama'y napapalitan ang nasa itaas ngunit ganoon pa rin ang nangyayari. Idinidiin dito sa frankfurt school ang paghahanap ng ibang catalysta o agent para magkaroon ng social change, maliban sa paglulungsad ng rebolusyon ng mga manggagawa, bakit hindi nalang baguhin o imaniobra ang systema para sa ikabubuti ng masa? Isang tanong na talaga namang napakaganda para sa akin. Baguhin ang systema para sa ikabubuti ng marami hindi lang ng nasa itaas.
http://mamikikeyu.wordpress.com/2011/05/12/bureaucracy-advantages-and-dis-advantages/
http://mamikikeyu.wordpress.com/2011/05/12/bureaucracy-advantages-and-dis-advantages/
Cultural Product: Ang Magnum at ang sining ng Social Climbing
Sikat, masarap, pero medyo mahal. Marahil dahil na rin sa tindi ng hype na dumating sa pilipinas dahil na rin tindi ng advertisments ay naging napaka sikat ng Magnum Ice cream. Isang ice cream na sumobrang dami ang mga fans ay naging isa na tong simbolo ng pagiging "in". Kapag nakakain ka na nito "in" ka na, pero pag lagi mo tong ipinapakitang kinakain, grabe mayaman ka na! Sosyal kumbaga. Kaya nga naman ganoon nalamang ang pag-upload ng mga tao mapa bata, matanda, sa kanikanilang mga social networking sites kun saan mayroon nang isang napagtripan ng maiinit na mata ng mga taong asar sa mga taong gaya nila. Galit sa mga pasosyal na Social Climbers
Ang Isang social climber ay isang taong nikikipag kaibigan sa taong may "kaibigan" na may mataas na estado sa lipunan, kakaibiganin niya ito upang makilala ang isa pang "kaibigang" may mas mataas na estado at sabay iiwanan ang nauna niyang kinaibigan. Tuloy tuloy lamang ito hanggang sa makarating na sila sa tuktok. Ngunit hindi lamang dito nababase ang pagiging social climber. Kung tutuusin ito'y mas lalong mapapansin kung sino ang social climber sa kanilang pag-asta. Halimbawa madalas ay sinusubukang gayahin ng isang social climber or isang sosyalera na gayahin ang porma, pag-asta, pati na rin kung paano magsalita ang mga taong mataas ang estado sa lipunan. Madalas silang nagpapakita ng kanilang social "value" kuno upang sila'y mapansin sa kaniyang mga kasama na angat sila, at para sa mga "elite" ay mapansin siya bilang kabilang sa grupo nila. Kaya natin masasabi na isang social climber ang taong kumakain ng magnum ay dahil sa pagpilit nilang maki-in sa uso, upang maipakita na sila ngay afford bumili at maglustay ng pera para lamang kumain ng ice cream na masarap lang dahil "Belgian" daw ang chocolates nila.
Kung ating susuriin, hindi na bago ang idea ng social climbing sa ating mga pilipino. Isang testamento rito ang Noli me Tanger ni Jose Rizal kung saan nagbigay siya ng dalwang hinding hindi makakalimutang mga tauhan sa kaniyang nobela. Ang alalay ng mga prayleng si Kapitan Tiago at ang pinaka sikat na social climber na si Donya Victorina de Espadana. Parehong social climber gamit ang ang depinisyon sa itaas. Si kapitan Tiago ang social climber na mahilig makipagkaibigan sa mga prayle, laging nagsasagawa ng pasimba para lamang manatili sa grupo ng matataas na kastila. Si Donya Victorina nama'y mapagpanggap na mestizang itinakwil na ang pagpapilipino at itinatawag na ang sarili bilang isang Espanol, kung inyong maaalala ang kaniyang diskripsyon ay babaeng punong puno ng kolorete, pilit kumbaga ang kaniyang pagkatao.
Isang dibuho ni Donya Victorina
Ano naman ang kinalaman ng dalawang ito sa Magnum? Sa pag-gamit ng Post-Colonial theory masasabi nating talagang ugat na ang kulturang pagkasocial climber ng ibang pilipino dahil na rin sa kalunoslunos na pag-alipusta at pagtanggal ng dangal sa ating lahi ng ating mga mananakop. Idinikdik na sa atin ng mga Espanol na tayo'y mali, na tayo'y mga inutil, mga indio, mga nakakababang nilalang at upang maiangat ang ating estado ay dapat tayong pilit makibagay sa kanila, gaya ng babaeng nasa itaas, manamit, kumain,umasta, gaya nila. Nakakaungkot mang isipin pero napaka pamilyar nitong isyu na ito hanggan sa kasalukuyan dahil hindi na nawala ang ugaling ito ng ibang pilipino na dahil na rin sa sobrang hirap ay ipinipilit na ang sarili upang makaangat, mula panahon ng Kano, hapon, kano ulit, at ang exodus ng masang Pilipino sa ibang bansa at nagpapaka Donya Victorina na sa kanikanilang Diaspora na niyayabangan ang mga naiwan dito at nagpapapansin sa mga angat roon. Makikita natin ang Stigma ng colonyal na pang-aalipusta hanggang ngayon, nandirito pa rin ang inferiority complex natin na kaialangan nating matugunan sa pagbili ng mga gamit na sosyal.
Ang magnum ngayon ang nagsisilbing simbolo ng masang pilipino sa kanilang pagsubok na makibagay sa mga "nasa itaas" ng ating henerasyon, ang mga anak ng diyos at diyosa ng ating lipunan, ang mga mayayamang "elite" na tinitingala ng masa dahil sa kanilang paningin ang Magnum Ice cream, isang ice cream na masarap ngunit mahal ay ang "Sosyal" na bersion ng sorbetes na nilalako ni Mang Caloy sa Luneta park. Kagaya ng starbucks coffee na sobrang mahal ang isang baso pero kaya mo naman bumili ng kape na pereho rin namang nakakagising sa nescafe three in 1, ganoon rin ang epekto ng magnum na para maka "in" lang bibili ka ng magnum kasi tataas ang tingin sa iyo ng mga tao, sisikat ka pa sa tropa mo.
Picture ni Manong Starr Box na nagbebenta sa may Bean Hoppers
http://www.facebook.com/people/Donya-Victorina-de-Espada%C3%B1a/100003199497809
http://mikehbeybe.tumblr.com/
Kung ating susuriin, hindi na bago ang idea ng social climbing sa ating mga pilipino. Isang testamento rito ang Noli me Tanger ni Jose Rizal kung saan nagbigay siya ng dalwang hinding hindi makakalimutang mga tauhan sa kaniyang nobela. Ang alalay ng mga prayleng si Kapitan Tiago at ang pinaka sikat na social climber na si Donya Victorina de Espadana. Parehong social climber gamit ang ang depinisyon sa itaas. Si kapitan Tiago ang social climber na mahilig makipagkaibigan sa mga prayle, laging nagsasagawa ng pasimba para lamang manatili sa grupo ng matataas na kastila. Si Donya Victorina nama'y mapagpanggap na mestizang itinakwil na ang pagpapilipino at itinatawag na ang sarili bilang isang Espanol, kung inyong maaalala ang kaniyang diskripsyon ay babaeng punong puno ng kolorete, pilit kumbaga ang kaniyang pagkatao.
Isang dibuho ni Donya Victorina
Ano naman ang kinalaman ng dalawang ito sa Magnum? Sa pag-gamit ng Post-Colonial theory masasabi nating talagang ugat na ang kulturang pagkasocial climber ng ibang pilipino dahil na rin sa kalunoslunos na pag-alipusta at pagtanggal ng dangal sa ating lahi ng ating mga mananakop. Idinikdik na sa atin ng mga Espanol na tayo'y mali, na tayo'y mga inutil, mga indio, mga nakakababang nilalang at upang maiangat ang ating estado ay dapat tayong pilit makibagay sa kanila, gaya ng babaeng nasa itaas, manamit, kumain,umasta, gaya nila. Nakakaungkot mang isipin pero napaka pamilyar nitong isyu na ito hanggan sa kasalukuyan dahil hindi na nawala ang ugaling ito ng ibang pilipino na dahil na rin sa sobrang hirap ay ipinipilit na ang sarili upang makaangat, mula panahon ng Kano, hapon, kano ulit, at ang exodus ng masang Pilipino sa ibang bansa at nagpapaka Donya Victorina na sa kanikanilang Diaspora na niyayabangan ang mga naiwan dito at nagpapapansin sa mga angat roon. Makikita natin ang Stigma ng colonyal na pang-aalipusta hanggang ngayon, nandirito pa rin ang inferiority complex natin na kaialangan nating matugunan sa pagbili ng mga gamit na sosyal.
Ang magnum ngayon ang nagsisilbing simbolo ng masang pilipino sa kanilang pagsubok na makibagay sa mga "nasa itaas" ng ating henerasyon, ang mga anak ng diyos at diyosa ng ating lipunan, ang mga mayayamang "elite" na tinitingala ng masa dahil sa kanilang paningin ang Magnum Ice cream, isang ice cream na masarap ngunit mahal ay ang "Sosyal" na bersion ng sorbetes na nilalako ni Mang Caloy sa Luneta park. Kagaya ng starbucks coffee na sobrang mahal ang isang baso pero kaya mo naman bumili ng kape na pereho rin namang nakakagising sa nescafe three in 1, ganoon rin ang epekto ng magnum na para maka "in" lang bibili ka ng magnum kasi tataas ang tingin sa iyo ng mga tao, sisikat ka pa sa tropa mo.
Picture ni Manong Starr Box na nagbebenta sa may Bean Hoppers
http://www.facebook.com/people/Donya-Victorina-de-Espada%C3%B1a/100003199497809
http://mikehbeybe.tumblr.com/
Critical Commentary: Dalumat Pangkanluranin
Critical commentary Western
theory
Sino ba sa atin ang hindi
ibinabase ang kaniyang paraan ng pagsusuri gamit ang mga ideolohiyang
pangkanluranin? Magmula sa demokrasiya, hanggang sa kapitalismo, mula sa mga
tipikal na termino gaya ng “realism” at “idealism”. Kahit nga ang pag-aaral ng
ating sariling kultura ay nagmula ibinase sa paggamit ng dalumat
pangkanluranin. Sa makatuwid, talaga nga namang
napakalaking parte ng Kulturang kanluranin upang maapektuhan ang
pamamaraan nating mga Pilipino sa pag-iisip. Maniwala man tayo’t sa hindi, kung
wala ang mga dalumat na to na nagpasimula ng ganitong paraan ng pag-oobserba o
pananaliksik, hindi ko na maisip kung anong uri ang lalabas. Ngunit ano nga ba
ang mga Dalumat pangkanluranin na mga to at bakit napakabigatin ang ating turin
sa kanila sa larangan ng pananaliksik pangkultura?
Una sa aking listahan ang
aking paborito ang Post-Colonialism na nagbibigay liwanag sa kung ano ang
naranasan, at sa kasalukaya’y nararanasan ng mga dating mananakop at nasakop.
Ipinapakit dito ang ideyang hybridity ni Homi Bhabha na nagsasabing hindi
lamang ang mga nasakop ang nagkaroon ng “Dualism” o pagkakaroon ng mutation ng
kanilang kultura, nagkaroon rin ng ganoong karanasan ang kanikanilang mga
mananakop kung kaya’t makikita na nating hindi na ito tungkol sa isang
mananakop na biglaang manggugulo sa isang nasakop na walang mangyayaring
malaking pagkaapekto sa kanilang kultura kundi magkakaroon ng isang bagong
kultura dahil sa pagbanggaan ng dalawang napakamagkaibang teorya.
http://anjouclothing.com/2012/02/26/orientalism-of-the-early-1900s/
http://anjouclothing.com/2012/02/26/orientalism-of-the-early-1900s/
Ikalawa ay ang Feminism at
ang napaka controbersial na queer theory na nagsisilbing “empowerment” tool
para sa kababaihan kung saan tapos na ang pagiging “damsel in distress” na kung
walang lalaki ay wala na sila. Ipinapakita dito na hindi mahina ang mga babae
kung kaya’t kailanga’y mayroon din silang sariling mga paa at kayang tumayo
mag-isa. Ang Queer theory naman ay ang nagsisilbing deconstructing agent kuno
ng ating mga LGBT’s na hinahamon ang naghaharing macho culture. Dito mapapansin
na ang paginvade ng mga “gay” sa mga lugar na sinisimbolo ang epitome ng
pagkadiretso o pagkalalake gaya ng mga gym at basketball, pati na rin ang
military.
http://mynews.mumbleabout.com/wp-content/uploads/2011/06/gay-foxhole.jpg
http://mynews.mumbleabout.com/wp-content/uploads/2011/06/gay-foxhole.jpg
Ang Birmingham school naman
ay isang dalumat na interdisciplinary kung saan ginagamit ang iba’t ibang mga
departamento ng kaalaman upang magkaroon ng masmagandang pagsusuri ang isang
kultura o phenomena. Isa itong
school of thought na nagbibigay ilaw sa politikang pangaraw araw, ang pulitkang
pansariling kadala’y nakakaligtaan ng mga tao.
Ang kasalungat naman ng
Birmingham na ang Frankfurt school na nagbibigay pokus sa mga manggagawa at ang
elite. Binigyan ng pagsusuring itong ng diin na hindi rebolusyon kundi masusing
pagaaral ng systema ng kultura upang magkaroon ng mas maliwanag na sulusyon.
Ang huli ay ang French
theory na nagbigay ng importansiya sa minorya o sa atin nama’y ang masa at ang
pag-aaral sa pop-culture upang maliwanag na masabi kung ano nga ba ang tunay na
nangyayari sa ating mga mamamayan at ang epekto ng mass media sa pagbuo ng
kultura.
Critical Commentary: Post-Colonialism
Ang teoryang “Post-Colonialism” ay isa sa mga pinka
nangingibabaw na dalumat sa aking paningin sa konteksto ng pagsusuri ng
kulturang nananaig sa mga Pilipino. Sa anong paraan pa nga ba antin
maiintindihan ang dalumat na ito kundi sa paggamit ng sariling atin bilang
ehemplo. Ang walang kamatayang
Colonial-mentality na ating nakuha mula sa tatlong daang taong pagkakaalipin sa
mga Espanol at mahigit ilang dekdang pag-ibig sa “Mother America” na nagdikdik
sa atin na mas maganda ang gawang dayuhan dahil mas mahal at maganda ang
pagkakabalot. Talamak din sa pag-aaral ng modernong kultura ng mga Pilipino ang
epekto ng hybridity at ang pagkakaroon ng dibisyon o social standing sa mga
Pilipino na ating mababase sa pag-gamit ng elit theory. Kitang kita rito ang
pagiging talamak ng branded na gamit at iba pang mga “imported” na mga
kasangkapan.
Sa libro ni Franz Fanon ipinapakita ang kalunoslunos na
epekto noong pag-alis ng mga mananakop kung saan nagkaroon kumbaga ng stigma
ang mga nasakop na nasanay na sa pananaw na tanggapin na masama/ ang pigiging
itim o kung atin nama’y masamang maging kayunmanggi at kailangan mong makibagay
at maging gaya ng ating mananakop upang matanggap. Nagkakaroon ng inferiority
complex na ating mababase ang pinanggagalingan ng ideyang foreign is better.
Isa pang magandang halimbawa ay ang basehan ng isang Pilipina para masabing
maganda ang isang bagay Sadiyang kalunoslunos ng kagaya ng sinabi sa isang
yahoo! Article na nagbigay ng survey kung ano nga ba ang ibigsabihin ng
kgandahan sa kanila, marami ang nagsabing kailangang sila’y maputi. Nakakabigla
dahil itong ito ang pinaka trahedya nating mga Pilipino na tinatawag na
kaaya-aya ang kulay na hindi natural sa ating lahi, at hindi pagmahal sa ating
sarili.
Naoobserbahan rin natin ang pagkakaroon natin ng Hybridity
kung saan ng pinaka magandang halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng bagong
pamamaraan ng pananalita gaya ng taglish o ang pagsama ng dialektong tagalog at
inlges sa mga pananalita ng mga Pilipino. Makikita rin ito sa mga Filipino
diaspora sa ibang bansa kung saan nagkakaroon ng impluwensiya ang mga Pilipino
sa mga local ng kanilang bansang tinutuluyan.
Sadiyang napakaganda ng teoryang post-colonial para sa aking
pananaw dahil ito’y ang nakikita kong dalumat pangkanluranin nagbibigay liwanag
sa ating karanasan at nararanasan bilang mga Pilipino na hanggang ngayon ay
kita parin ang peklat sa ating kultura na ginawa ng ating mga mananakop.
Critical Commentary: Indigenous theory
Ang pagsasakatutubo
ng teoriyang Pampilipino
Nakakatuwa nga namang isipin na sa wakas, matapos an gating
pag-aaral ng mga dalumat ng mga kanluranin, mga ideyang nagmula sa mga baying
kadalasang hindi maaring ikumpara sa atin ay nagkaroon na rin tayo ng sariling
basehan ng ating pag-aaral ng ating pamumuhay. Bakit nga ba natin ipipilit
gamitin ang mga paraan ng pag-oobserba na ginamit ng mga Amerikano, Pranses at
kung sino sino pa? Sa totoo naman ay hindi nila gaanong nasasakop ang lahat ng
aspetong nagsasapilipino sa atin?
Kaya nga naman tinutuligsa ng Indeginazation theory and
ideya na paggamit ng dalumat pangkanluranin bilang pagbase sa pagoobserba ng
pamumuhay ng mga Pilipino, ika nga nila’y hindi ito nababagay at kailangan sa
ating mga Pilipino mismo manggaling ang paggawa ng sarili nating dalumat upang
masusing “mainterpret” an gating pagkapilipino mula sa pananaw ng isang
Pilipino.
Ang nakaktuwa rito’y sa wakas nagkakaroon narin ng paggalaw
ang ating mga mananaliksik upang magkaroon din tayo ng dalumat na matatawag
nating atin. Ang Sikolohiyang Pilipino halimbawa, ang pangangaliangang
magkaroon tayo ng isang basehan ng pag-aaral sa ating napaka “diverse” na
kulturang Pilipino upang tayo’y magkaroon nga ng iisang depinisyon ng kung ano
nga ba ang pagiging Pilipino. Isang sikolohiya gaya nga ng ngalan ng teorya, na
akmang akma o saktong sakto sa pangangaialangan ng pag-iintindi ng iba-ibang
kulturang bumubuo ng pagkapilino.
Sa isa namang banda ay nasasakop din ang ideyang paggamit ng
parehong dalumat kanluranin ngunit sa mata naman ng Pilipino dahil sinasabing
kahit hindi perpekto ay may pakinabang din naman ang mga dalumat na ito sa
pagintindi ng ating sariling kultura, kung tutuusin dito nga naman kasi tayo
nagsimulang lahat. Kaya nga naman pumapasok ang Pilipinohiya na nagsisilbing
hybrid sa aking paningin ng Sikolohiyang Pilipino at ng mga kanluraning
dalumat. Hindi rin naman kasi natin maitatanggi na dito nanggaling halos lahat
ng ating paraan ng pagsusuri, nagkataon lamang na wala rito talagang akma upang
mapasinayangan ang diwa ng pagkapilipino.
Ito’y isang teoryang napaka personal sa aking paningin dahil
marami sa atin dito ang nakikiramay sa mga pagobserba ng Indegenous theory,
kailangan pa nga nito sa aking palagay ng mas matinding pagsuporta upang
makamit ang pagkakaroon ng isang teorya o paraan ng pausuring magkakapsula a
pagaaral ng kulturang Pilipino sa mata ng mga Pilipino.
Isang napakagandang halimbawa ng ating pagkapilino ay ang makikita sa link na ito, inyo sanang tignan.
Sunday, 25 March 2012
Ang Liliw, Luisiana at Lucban
Leisure and a
Sa aming pagpunta sa iba’t
ibang parte ng lugar sa Laguna ay aming napansin na kakaiba nga naman ang mga
uri ng pag-lilibang ng mga tao na napaparoon. Sa Liliw ating mapapansin na ang
mga tao doon ay madalas magbenta, ang mga tsinelas ay napakarami gaya nga ng
kanilang festival ay ating mapapansin na ito’y parang isang malaking mall na
punong puno ng mga kiosk. Kitang kita dito kung sino ang mga dayo sa mga local.
Marami sa mga taga rito ay kadalasang nagbebenta ng mga pagkain, at mga damit
lalo na mga sapatos. Nakakatuwang pansinin ang mga dayong kagaya naming na
nagkakandarapa sa pagpipicutre at pagbili ng mga souvenir kung hindi man ay ang
pagpitingin ng mga sapatos na hindi naming mabili dahil walang pera. Nakaktuwa
din tignan ang dami ng mga iba’t ibang
delikasiya rito gaya ng kesong puti na aming kinain pagkadating sa hotel pati
na rin ang bibingkang gawa sa luto. Kakaiba rin ang pakakaluto nila sa bukong
ito kaya nga namang talagang nakakatuwang pansinin ito. Mapapansin din ang mga
rumorondang mga tanod na nag-aanounce ng mga mangyayaring “events” para sa
darating na piyesta. Kakaunit lamang ang makikita mong mga taong lumilibot sa
parte ng bayan na iyon sapagkat marami sa mga local roon ay nagbebenta sa mga
dayong katulad natin.
Sa may Luisiana naman, ating
mapapansin ang katahimikan ng lugar. Ang tinatawag nilang pandan festival ay mukhang
nakapokus lamang sa isang parte ng bayan na nagbebenta ng mga kasangapang gawa
sa pandan. Ang lugar ay malawak at kapansin pansing di gaanong magulo ngunit
puno ng mga batang naglalaro sa parke kung saan kami nakikipag diskurso tungkol
sa aspeto ng industriya at kultura na aking isiniyasat sa isa ko pang blog. Mayroon
ding mga taong kumakanta o nagvivideoke ngunit sa kabila ng lahat ng ito’y wala
nang gaanong nangyayari.
Sa Lucban ang huling bayang aming
pinuntahahan naparoon ang isa sa pinakamagarbong piyest ng pahiyas. Mapapansin
sa lugar na ito ang ingay na nagmumula sa mga bata sa may eskuwelahan dahil na
rin sa tapos na ang kanilang pasukan. Mapapansin din ang pagkabusy kuno ng mga
tao dito, maraming mga pamilihan lalo na ng longanisa at pansit pati na rin ang
paborito kong broas. Kapansinpansin din ang night life doon sa nasabing bayan
dahil sa tapat pa lamang ng aming hotel ay may bar nang nakantabay para sa mga
nais makapag “unwind”. Sa gabi ay talaga nga naman makulay ang parke sa tabi ng
aming tinutuluyan at mapapansin na kahit noong umuulan ay naglalaro pa rin ang
mga bata rito.
Sa pagkukumpara ng mga lugar
sa mga baying aming napuntahan, masasabi nating puno ang mga ito ng mga iba’t-ibang
mga paraan ng paglilibang at mga ginagawa ng mga tao pampalipas oras, marami sa
mga taga Liliw ang nakapokus sa pagbenta ng kanilang mga produkto lalo na at
malapit na ang kanilang pista, para bang isa itong napakalaking palengke habang
ang luisian naman ay isang napakatahimik na lungsod kung ikukumpara mo sa
tatlo, walang masiyadong nangyayari at wala ring masyadong ginagawa. Ang Lucban
naman ang para sa akin ay pinaka maganda, pinaka buhay na kahit gabi na ay
sadiyang makulay pa rin. Masarap pa ang kanilang pansit pati na rin ang
kanilang longganisa.
http://www.pinoytravelblog.com/roadtrip/571/pahiyas-festival-2007-lucban-quezon
Nakita ko to noong naglalakad lakad ako noong umaga, gusto ko sanang bilhin lalo na nung natikman ko yun sa may Buddy's kaso wala na kong pera. Mas nagustuhan ko to kaysa sa Vigan, medyo malasa kasi at hindi matamis, yun ang paborito ko.
http://ph.openrice.com/manila/restaurant/sr2.htm?shopid=11759
Ang world famous pansit Lucban ng well.. Lucban. Kinuhang photo mula sa Buddy's restaurant na kahit tatlong tao tataob sa sobrang sarap. Subukan ninyo.
http://www.pinoytravelblog.com/roadtrip/571/pahiyas-festival-2007-lucban-quezon
Nakita ko to noong naglalakad lakad ako noong umaga, gusto ko sanang bilhin lalo na nung natikman ko yun sa may Buddy's kaso wala na kong pera. Mas nagustuhan ko to kaysa sa Vigan, medyo malasa kasi at hindi matamis, yun ang paborito ko.
http://ph.openrice.com/manila/restaurant/sr2.htm?shopid=11759
Ang world famous pansit Lucban ng well.. Lucban. Kinuhang photo mula sa Buddy's restaurant na kahit tatlong tao tataob sa sobrang sarap. Subukan ninyo.
Culture and Industry: The rise or corruption of festival trends in Laguna
Sa aming paglakabay sa nayon ng Laguna, aming natalakay mula sa
aming mga speaker ang napakainteresanteng penomena na nagaganap ngayon sa ating
bansa. Ang pag-usbong ng mga piyesta sa mga samu't saring mga nayon na ating
mapapansin hindi lamang sa aming mga napuntahan na nayon, kundi atin ring
mapapansin sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Sa unang tingin ay talaga nga
namang nakakatuwa na makita na nagkakaroon na marahil ng pagtingin
pangkulutural ang mga Pilipino at muli nilang ibinunubuhay ang mga sarili nilang
mga kultura sa kanikanilang mga bayan. Ngunit marahil ito'y isa lamang
mapatalinghagang paghuhusga dahil kung ito'y susuriing mabuti, ating makikita
na hindi kaya nagusbong ang mga bagong pagdiriwang na ito dahil sa pagdami ng
mga turista maging dayuhan man o lokal? Dahil dumarami ang kita kung may isang
piyestang inaabangan ng buong mundo para makita? Dahil may kultura kasi
mayroong industriya?
Habang aming pinakikinggan ang mga diskusyon ng aming mga speaker
ay napansin ko agad ang inilalathala ng pagka praktikal ng mga tao ngayon. Kung
saan ang kita, doon sila. Kung ang ibig sa bihin nito’y gagawa sila ng bagong
piyesta na walang kinalaman sa kultura nila, ay gagawin pa rin nila. Ang pandan
festival ay isang magandang ehemplo nito. Makikita natin na ang isang piyesta
ay nagpapakita ng pasasalamat ng magandang ani, at ang mga festival kuno
nakanilang ipinapagdiwang ay kadalasang ginagamit bilang representasyon ng mga
pangunahing mga produkto na kanilang ginagamit para makabenta. Ngunit ang
pandan ay hindi na isang pangunahing produkto ng nayon na iyon kaya nga naman
sadiyang nakakalungkot sabihin na talaga nga naming nagiging pokus na nito ang
pagiging isang commercialized na piyetsa para lamang sa kita at nawawala na ang
pagka ispiritual o ang pinaka “sense” nito. Talagang nakakabahala dahil ang
trend ngayon upang makaangat ang ating ekonomiya ay gumagawa na lamang tayo
nang kung ano anong mga gimik para lamang makilala at kumita. Parang Show-time
kumbaga.
Comparing Mall culture
Sa aming pagpunta sa mga mall ng Laguna, kami’y
nagsimulang pag-aralan at ipag-kumpara ang mga uri ng mga tao na pumupunta
rito.
Ating bigyan ng pokus ang mga ito
Walter-Mart
Ang mall na ito hindi gaanong malaki ngunit puno ng mga
kiosk at stall sa kanilang main hall. Masasabi nating ito’y parang isang
malaking supermarket at department store kung saan mapaparito ka hindi para
tumambay kundi mamili. Puno rin ito ng mga budget shops gaya ng mga surplus
stores sa damit, appliances, pati na rin ang mga kagamitang pambahay. Malimit
na ang mga pumupunta ritong mga tao ay mga pamilya na madalas makikita sa
supermarket at naghahanap ng kanikanilang mga kasangkapan. Bibihira rito ang mga
teenagers na madalas mo nama’y naproroon sa may sinehan. Kitang kita ang
pagkakonti ng mga tao dito kahit na nagsimula kami sa aming pag-oobserba noong
tanghali ng biyernes na ating masasabing araw ng pamamasyal ng mga nakakabatang
populasyon. Bibihira kang makakita dito ng mga nag-wiwindow shopping o mga tao
na tumitingin tingin lamang ng mga produkto ng mga shops. Kakaunti ang mga
lugar panlibangan at masasabi nating mapaparito ka talaga para mamili ng
kasangkapan at hindi ito ang tipikal na lugar na pinupuntahan ng mga tao
panlibangan.
SM
Ang SM ay isang napakalaking mall na puno ng malawak na
variety ng mga shops. Mapapansin natin na makikita sa estado ng buhay ng mga
tao sa mga parte ng mall kung saan sila namamalagi. Mapapansin natin sa marami
sa mga nakakabatang populasyon rito ay makikita sa mga arcade gaya ng Quantum
habang ang mga pamilya naman ay makikita mo sa food court kung saan sila
kumakain. Kapansinpansin din ang dami ng mga taong naglalakad lamang at
namamasyal sa mall, mas marami pa ang makikita mong tumatambay kaysa namimili.
Kapansin- pansin din ang pagkakakaunti ng mga tao sa mga shop area na mamahalin
gaya ng sa may cyber zone. Di hamak na talagang diverse kuno ang mga uri ng mga
taong namamalagi sa SM dahil na rin sa laki at dami ng shops na nagbibigay ng
oportunidad para sa iba’t-ibang uri ng mga tao. Dito mo rin makikita ang hilig
ng mga tao sa iba’t ibang uri ng entertainment lalong lalo na sa event center
kung saan makikitang mong nakakumpol ang mga tao sa panonood ng beauty contest
ng mga buntis, pati na rin ang singing contest matapos noon. Hindi nauubos ang
pagbuhos ng tao dito kahit na noong abutin na kami ng dilim. Sa katunayan maari
nating sabihin na hindi nauubos ang pagdagsa ng tao sa SM dahik hindi rin
nauubos ang gagawin dito.Di gaya ng tipikal na mall kung saan ay pupunta ka
lang para mamimili, pupunta ka sa SM para maglibang.
Ang pagkukumpara
Sa aming pag-oobserba sa mga tao sa Walter-mart at SM ay
kapansin-pansin ang mga bagay na sumusunod:
Laki ng lugar: Ang laki ng lugar ay isang paraan para
manghakot ng mga tao, ang SM halimbawa ay talaga naming napakalaki at punong
puno ng iba’t-ibang mga shop na di makikita sa ibang malls. Ang walter-mart
naman ay isang lugar pamilihan na malimit pinupuntahan para mamili at makamura,
kakaunti ang mga tumatambay ngunit kahit maliit ay maaliwalas. Masasabing
pinupuntahan ang walter mart dahil alam mo na ang iyong hinahanap at isang
venue para sa mga pamilyang nagrogrocery.
Ang SM sa kabilang banda ay matatawag mong tamabayan ng
bayan. Mula sa iba’t ibang shops na nagbibigy oportunidad para sa iba’t ibang
klase ng mga tao mapabata, matanda, mayaman, o sakto lang ay puno rin ito ng
mga events na siya naming inaabangan ng mga tao
para puntahan at panoorin. Maari ka pa ring tumambay dito na hindi
nakakaramdam ng pagkailang dahil sa sobra nitong laki at dami ng tao di gaya ng
sa walter-mart na wala na masyadong gagawin pagkabili mo ng iyong kailangan.
Comparing fitness culture of two different areas
Comparison in Fitness within
different areas
Aside from watching
different people in malls, we have also made observance onto their leisure, in
this case the fitness leisure to be found in SM and to compare it with the
fitness aerobic culture of that in UPLB.
In the mall
Aerobic in the mall is visibly
pretty much more of a spectacle for passers-by rather than a place to really do
work-outs. For starters, the mall only does it within a space in the cyberzone,
second I personally find the mall as not an optimal place for effective work
out area simply because first, it’s a mall. Dancing, doing punches and all is
done in the middle of the shopping area where joining in is quite discourage
because of the number of passers-by looking at you. I find it a bit
embarrassing because of all the eyes looking at you. Also, the air-conditioning
also keeps you from sweating and oddly enough there is this guy who seems to be
checking the progress of the participants which I find a bit annoying. The area
is filled with distractions and that it also started a little late. The
aerobics proper is filled with people mostly of women with the exemption of one
guy, and he’s gay. Their participation is not that lively and it can be said
that the aerobics itself is not that long given the time constraints within the
mall. The aerobics can be said to cater towards those employees mostly above
their 40s and older women. They often go there simply for meeting with their
own peers as we notice a lot of them chattering before the program begun.
In UPLB
The hall in UPLB creates a
whole different atmosphere to us compared to when we observed the mall. Here we
see a much diverse number of people. One could say that it is here where we
could see people actually coming to socialize and exercise. I said this because
we came there at the morning wherein the university becomes more of a park open
for everybody. Unlike in the mall, the people he consists of much different
people from different social class. We could easily distinguish them through
their accessories. People who are better of, often wears branded sports
clothing like Nike and Addidas cross trainers, dri-fit tops and cycling and or
dri-fit shorts for men. Some of them could even be seen to have other accessories
such as earphones. We could see here that perhaps due to the size of the venue,
there is quite a lot of people participating, there are almost no one simply
sitting down, except of course for people passing through perhaps students and
the observers which is us. The place was very comfortable as everyone is doing
their own thing, and that no one would look at you should you start goofing off
while trying to do the work out. I find it very comforting personally as I
joined the work out myself and it didn’t feel awkward at all. Everyone is so participative;
in fact people just kept on coming in to work out. This only goes to show that
the venue is a factor when it comes to conducting and participating in something,
in this case a mall caters to those people often trying to put a little bit of
work out into their hectic lives, specifically the employees of the mall
itself. UPLB on the other hand caters to a wider variety of people specially
families of different status, the large venue actually focuses onto working out
and since it is a Sunday morning it basically turns into one big gym campus.
People come there specifically to work out, there are no shops for distraction
and the there climate is optimal for sweating.
Sunday, 4 March 2012
The controversial Queer theory
Probably one of the world's most controversial theory is that of the queer theory which is apparently advocated the most by our very professor Contreras. I view this theory as part of the empowerment movement coming from Feminism. From this theory we see one of the most powerful signs of adaptation of the marginalized in order to fit themselves well within the mainstream called patriarchy. One method that men notice is the rise of number of those buff gay people. These rise of gay men invading the epitome of manliness, the gym debunks the ongoing stereotypes of gays being those often outrageous looking cross dressers who act like little girls. As a gay friend of mine one's stated "Don't treat me like a woman, I am not one, rather treat me as who I am." They do not share the same sentiments, nor do they share the same values, which why I find it odd that we discriminate them just the same. Of course, admittedly I am homophobic, and I do discriminate but this theory enabled me to be just a bit more tolerant of such people much like the friend I quoted above.
The French
Aside from the Iffel tower, Arc de Triomphe and the baguette, the french has delivered yet another very important gift to the world. The Traditional French cultural studies. This study is probably one of the most innovative study as it paves way to more liberal studies. It is only here that we are given the chance to finally study what is truly going on within a group of people, and what better way could we make a study of them but t to study the factors which affects the masses the most? Pop culture. The french studies has created a study most comprehensive if what you wish is to learn of the things that makes an individual tick? What makes them act the way they do and why do they react to such? It shifts focus from studying countries, states, government and its leaders to the very people that makes the said organizations/institutions work. A fine theory I must say if one wishes to study the people instead of the boring old theories probably no longer of relevance to our time.
Also the idea of the Carnival fascinates me, where the playing round no longer centers itself to being powerful. The weak poisons the mind of the strong, they make them think that being strong is wrong and immoral thus rendering the strong sympathetic to the weak and guilty because of his status. The weak while he cannot contend with the strong instead makes fun of their authority rendering them a joke, something for those on top to think about.
http://weheartit.com/naughtybutnicey http://www.artuji.com/funny-noybi-jokes-start-noynoy-binay-jokes-becomes-popular/5973
One thing that strikes me from this theory however, is that aside from its broadness meaning its study of popular culture results to different social interpretations is that it also gives me this personal feel. Personal in the context that it gives its subject much value unlike when a person is treated more of a data reference, in this case the person is the theory.
Also the idea of the Carnival fascinates me, where the playing round no longer centers itself to being powerful. The weak poisons the mind of the strong, they make them think that being strong is wrong and immoral thus rendering the strong sympathetic to the weak and guilty because of his status. The weak while he cannot contend with the strong instead makes fun of their authority rendering them a joke, something for those on top to think about.
http://weheartit.com/naughtybutnicey http://www.artuji.com/funny-noybi-jokes-start-noynoy-binay-jokes-becomes-popular/5973
One thing that strikes me from this theory however, is that aside from its broadness meaning its study of popular culture results to different social interpretations is that it also gives me this personal feel. Personal in the context that it gives its subject much value unlike when a person is treated more of a data reference, in this case the person is the theory.
Subscribe to:
Posts (Atom)